Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 service crew na gumimik na-hit and run kritikal

070614 hit and run

Inaayos ng mga awtoridad ang biktimang si Laleine Valerie Aniel na nabiktima ng hit and run sa Roxas Boulevard, sa harap ng CCP, Pasay City. Kasama rin ni Aniel na nabiktima ang kasamahan sa trabaho na si Kelvin Principe. Nabundol ang mga biktima ng Toyota Crown, may plakang TEJ- 967, pero mabilis na nakatakas. (ALEX MENDOZA)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang babaeng service crew dahil sa ba-ling binti at putok sa ulo ang 27-anyos na babae habang may pasa at galos ang kasama niyang lalaki matapos ma-hit and run’ sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kapwa service crew ng Max’s Fried Chicken Restaurant na nasa sa loob ng Harrison Plaza mall, sa Adriatico St., Malate, Maynila ang mga biktima.

Nasa kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) ang mga biktimang sina Valerie Aniel, ng Las Piñas City, habang ang kasama niyang si Kelvin Principe, 20, ay nasa ligtas na kalagayan.

Dakong alas-2:10 a.m., nang respondehan ang insidenteng naganap sa  southbound lane ng Roxas. Blvd., sa harap ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sinabi ni Principe, kapwa sila nakainom ng alak dahil galing sila sa isang bar.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …