NANINIWALA ang mga kaanak na seryoso si Sen. Miriam Defensor Santiago sa planong muling pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Inihayag ni Gng. Liberty Palma Ledesma, kapatid ng ina ng senadora, seryosong ikinokonsidera ng kanyang pamangkin ang muling pagkandidato kapag naka-recover sa kanyang stage 4 lung cancer.
Suportado aniya ng kanilang pamilya ang senadora dahil naniniwala silang siya lang ang may kakayahang linisin ang bansa mula sa korupsyon.
Ngunit sinabi rin niyang hindi papaboran ng Estados Unidos ang pagkandidato ni Santiago dahil kapag nanalo bilang pangulo ng bansa, ay hindi na madidiktahan ng Amerika ang Filipinas.