Tuesday , November 5 2024

Dadapa sa DAP ang kampo ni PNoy

00 Bulabugin JSY

ANG Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel at ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay mga pondong nagpapatunay na mayroong malalang korupsiyon sa bansa.

Ang siste, ang dalawang pondo na ‘yan ay hindi nagsilbi para matugunan ang mga napapabayaang bahagi o baryo sa ating bansa na higit kanino man, ang mga mamamayan doon ang nangangailangan ng mga kagyat na tulong.

Ang PDAF at DAP ay tunay na nagsilbi sa mga politikong marunong magmaniobra ng pondo. Pwedeng nagagamit nila ito para pabanguhin ang kanilang mga pangalan o kaya naman ay para pakapalin ang kanilang mga bulsa.

At ang katotohanang ‘yan ay sumambulat sa mukha ng mamamayan.

Sumambulat sa administrasyon ng isang Pangulo na nagsasabing siya ay nagsusulong ng anti-corruption drive sa pamamagitan ng kanyang slogan na DAANG MATUWID.

Pero ang Pangulo na ‘yan na nagsasabi rin na anak siya ng dating Pangulong Cory Aquino na sinabing democracy icon at dating Senador Benigno Aquino III na sinabing freedom fighter ay nayanig matapos ideklara ng SC na illegal ang bilyones na DAP sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Hindi kayang putulin ng PDAF at DAP ang cycle of corruption sa bansa.

Hangga’t marami ang walang trabaho at marami ang nagugutom, maraming hindi nakapag-aaral at namamatay na hindi nakakikita ng doktor o ospital hanggang mamatay … nanatili ang korupsiyon sa bansa.

Hangga’t ang yaman ng bansa ay pinakikinabangan lamang ng iilan at nasa kanila ang sandamakmak na kwarta hindi mamamatay ang korupsiyon sa bansa.

Kahit ilang SLOGAN pa ang ipamarali ni Noynoy kung hindi ito naisasakatuparan — walang pagbabagong magaganap sa lipunan.

Sa daang matuwid — dead end ang kahahantungan ng kampo ni Noynoy.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *