MARAMI ang nagtataka sa dalawang MANILA POLICE DISTRICT (MPD) police station dahil sa pagiging maluwag at ‘malapit’ sa mga ilegalista sa kanilang AOR.
Ito kasing MPD PS-1 at PS-7 ay friendly daw sa mga operator ng demonyong makina ng video karera at bookies.
Mas friendly daw ang MPD PS-7 dahil mismong sa likuran lang nito ang mga butas ng bookies. Sakop ng barangay ni Chairman BOY SAMSON.
Sa eskinitang VARGAS umaabot na sa 5 BUTAS ng bookies nina Pasya, Paknoy, Billy at Enteng/Edna Rosario.
Sonabagan!!!
Kada gambling lord pala may butas sa nasabing lugar?!
Isang alias KABO OBET-LOG ang namamahala naman ng intelihensiya mula sa 1602.
Manila Police District (MPD) director, Gen. ROLANDO ASUNCION sir, eto pa ho ang mga libreng tip ko sa inyo, paki-verify po ang nakalatag na VK MACHINES ni RENE OY sa mga kalye ng Raxa Bago, Batangas, Molave, Dagupan, Pilar, Almeda, Tayuman at Pampanga, AOR ng PS-7.
Baka ho kasi hindi pa nakatimbre sa inyong DISTRICT Orbit ‘este’ operations unit (DSOU)?
Hindi rin naman magpapatalo ang MPD PS-1, dahil mismong sa ilalim ng tulay ng CAPULONG na ilang hakbang lang ang layo sa RAXABAGO POLICE STATION 1 ay nagkalat ang bookies at makina ng VK hanggang La Llana kaliwa-dulo.
Largado ang sugalan sa sakop ng Raxabago Police Station PS-1 at Jose Abad Santos PS-7 ang Doble BB Code Video Karera na ang maintainer ay isang alias Rene Oy!
FYI again Gen. Asuncion, ito pa ang ibang butas ni RENE OY sa kalye ng Benita St., Pag-asa, Kamalig St., Hermosa, Sunog Apog at Velasquez na nagkataon na sakop ng Raxabago PS-1.
Iba pa ‘yung mga nagkalat na VK nina RENE at GINA sa nasasakupan ng DON BOSCO PCP at PRITIL PCP.
Ipinagyayabang pa ng kamoteng si RENE OY na one hundred thousand ang pinakawalan n’yang goodwill money sa PS-1 at PS-7.
Bawing-bawi naman si RENE OY dahil lahat ng latag niyang VK ay may bonus attraction na shabu pot session para sa mga adik na naglalaro ng VK.
Paki-update mo na lang Gen. Rolando Asuncion kay Tata Bong Krus kung malakas ang kobransa sa area na ‘yan po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com