Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alwyn, maglaladlad na ng tunay na pagkatao

00 SHOWBIZ ms mMARAMI ang pumupuri sa galing umarte ni Alwyn Uytingco kaya hindi nakapagtatakang pagkatiwalaan siya ng TV5 ng isang napakalaking project, ang Beki Boxer.

Marami kaming nakakausap na pinupuri ang seryeng ito ni Alwyn. Bukod kasi sa maganda ang istorya, magaling pa ang mga aktor na nagsisiganap.

Very proud si Alwyn sa project na ito. Aniya, “Sana next project ko ganito rin dahil ‘yung excitement ko rito laging andoon. Challenging kasi ang ginagawa ko na hindi porke isa akong beki rito eh, madali nang gawin.”

032814 ALWYN

Hindi naman nag-aalala si Alwyn na tila nadadalas ang pagganap niya bilang beki. Bukod kasi sa Beki Boxer, isang bakla rin ang role niya saJasMine. Aniya, “okey lang naman sa akin na gumanap na beki kasi confident naman ako sa sarili ko at kilala ko ang sarili ko. Although, sabi ko pati ng manager ko ayaw muna naming tumanggap ng beki role , iba naman.”

Samantala, ngayong gabi na magtatapos ang Beki Boxer at dito rin malalaman ng ama ni Alwyn na si Christian Vasquez ang tunay niyang katauhan. Tutok na sa TV5 para malaman natin kung paano naipahayag ni Alwyn ang tunay niyang pagkatao sa kanyang pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …