Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, gustong idirehe sina Bamboo at Sarah G.

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Paolo Valenciano na hindi ganoon kadaling idirehe ang isang Gary Valenciano (siya po ang concert director ng kanyang ama sa part 1, two nights ng Arise Gary V 3.0 sa Smart Araneta at siya rin ang magdidirehe nito sa Arise Gary V 3.0, The Repeat sa SM Mall of Asia Arena).

Sa totoo lang si Paolo na siguro ang pinakabatang concert director at talagang pinahanga niya ako sa galing niyang magdirehe (napanood ko kapwa ang Arise at ang concert ng Sponge Cola sa Music Museum, ang Maximum Capacity at masasabi kong talented talaga siya at magaling). Una niyang pagsabak sa concert directing ay nang idirehe niya ang On Higher Ground ng kanyang amang si Gary Valenciano na aminado siyang hindi naging madaling trabaho para sa kanya.

“Siyempre ma-technical kasi ‘yung concert na ‘yun kaya hindi ganoon kadali, pero naka-survive naman ako, hahaha,” kuwento ni Paolo pagkatapos ng presscon ng Arise Gary V 3.0, The Repeat.

Ani Paolo, natural na mayroon silang magkaibang idea ng kanyang ama sa mga gustong mangyari sa mga concert kaya naman nagmi-meet na lang sila sa isang agreement na parehong magbe-benefit ang mga ginagawa nila.

070314 paolo v Sarah Geronimo Bamboo Mañalac
At so far, aprubado naman ang mga ginagawa niya kay Gary V. kaya hindi kataka-taka na bukod sa kanyang ama, marami pang artista ang kinukuha ang kanyang serbisyo para idirehe ang kanilang concert.

Ang nakapagpa-intimidate raw sa kanyang singer/artist na naidirehe ay si Lea Salonga sa Jammin, isang Yolanda fund raising concert. “Siyempre, Lea Salonga ‘yun. Pero sobrang bait niya kaya naging smooth naman ng trabaho namin,” pagkukuwento ni Paolo.

Naidirehe na rin pala niya ang mga concert nina Sam Concepcion at super proud niyang naikuwento na kinuha siya ni Toni Gonzaga para magdirehe ng isang concert nito. “Sa Youtube lang napanood ni Toni ‘yung isa sa mga naidirehe ko and natuwa ako dahil doon lang niya nakita kinuha na niya ako.”

Sinabi pa ni Paolo na wish niyang maidirehe sina Bamboo at Sarah Geronimo in the future. “Nagpaparinig na nga ako kay Bamboo, because he’s a good friend of mine. I look up to him and kinakausap ko na ‘yung manager hahaha. Para diretso na ‘yung manager na kinakausap ko. And sana maidirehe ko rin si Sarah G,” giit pa ni Paolo na.

Sa repeat ng Arise Gary V 3.0 muling makikita ang talent ni Paolo sa pagdidirehe at nakatitiyak kaming may mga bago na namang pakulong ise-share ang magaling na anak na ito nina Angeli at Gary V. Kaya watch na kayo sa August 2, Sabado sa SM Mall of of Asia Arena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …