ISANG dating kasabayan na nirerekrut ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) sa University of the East (UE) ang nag-text sa inyong lingkod …
Inilinaw niya na hindi AKRHO ang sangkot sa pagkamatay ng De La Salle College of St. Benilde HRM student na si Guillo Cesar Servando, 18 anyos, kundi ang Tau Gamma Phi.
Sa kabila nito, sinang-ayunan niya ang naikolum natin kahapon na mayroong mga dating miyembro ang AKRHO na kapag nagrerekrut noong araw ay nananakot kapag tumanggi sa kanila.
Pero iba na raw ang AKRHO ngayon. Mas nakatutok na sila sa pagseserbisyo sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong lalo na nga’t marami sa kanilang mga miyembro at opisyal ay mga professional na at kumbaga ay naging matagumpay naman sa buhay.
Hinihikayat na rin umano nila ang pagtigil ng HAZING bilang bahagi ng initiation rites sa kanilang organisasyon.
Saludo tayo sa AKRHO kung itutuloy-tuloy nila ang ganyang gawain.
Muli, ang ating paumanhin.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com