Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, nag-sponsor ng presscon ni Gary (Dahil sa sobrang pagkatuwa at pagiging fan)

00 SHOWBIZ ms mIBANG klase palang maging fan at matuwa si Mother Lily Monteverde. Talagang gumagastos siya at ibinibigay niya ang anumang tulong para sa artista/singer na nais niyang tulungan.

Ito bale ang ginawa niya kay Gary Valenciano. In-offer niya ang kanyang restaurant sa dating bahay sa Valencia, Quezon City para gawin na agad ang presscon ng Arise Gary V 3.0 The Repeat na gagawin naman sa SM Mall of Asia Arena sa August 2 (Sabado).

Mistulang fans talaga si Mother Lily lalo na nang handugan siya ng kanta ni Gary, ang Sana Maulit Muli (na isinulat ni Angeli at nilapatan ng musika ni Gary. Themesong ito ng pelikulang Ibulong Mo Sa Diyos ni Vilma Santos na ipinrodyus ng Regal Films) na tila tin-edyer si Mother na nilapitan si Gary para bigyan ng flowers at nagpa-picture pa.

Ayon kay Angeli Pangilinan, asawa at manager ni Gary, sobrang natuwa si Mother Lily nang mapanood nito ang singer sa nakaraang concert ni sa Smart Araneta. “Naku kaya after we arrived from the States, nag-occular inspection na agad kami rito sa lugar. Kasi nga in-offer ni Mother itong place at agad-agad gusto niyang magpa-presscon na si Gary para sa repeat nga ng concert niya.”

Anyways, ang repeat ng Arise Gary V 3.0 ay dahil na rin sa dalawang gabing very successful concert ni Gary noong Abril sa Smart Araneta. Na talaga namang marami ang humanga na sa loob ng 30 taon, eh kaya pa rin ni Gary na pumuno ng Araneta at maghandog ng isang napakagandang show. Kaya hindi kataka-taka na bukod kay Mother Lily, marami pang kapwa niya artista ang saludo sa kanya at humanga sa katatapos niyang concert noong Abril.

Sa August 2, muling ipakikita ni Gary ang talento bilang total performer at kung ano ang bago niyang ihahandog dito, ‘yun ang dapat nating abangan kaya watch na kayo. Makakasama niya rito ang kanyang anak na si Kiana Valenciano, ang rock icon na si Rico Blanco, Iya Villana at Sam Concepcion. Siyempre nariyan pa rin ang Manouevers, super Selfie King at international online sensation Gab Valenciano. At siyempre ididirehe pa rin ito ng kanyang super gwapo at napaka-talented na anak na si Paolo Valeciano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …