Sunday , November 17 2024

Lifestyle check kay PAGCor chair Bong Naguiat ngayon na!

00 Bulabugin JSY

APAT na taon na ang nakararaan, ang dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chief of the treasury unit noong panahon ni dating paresidente Gloria Macapagal Arroyo, ay nakikitira lang daw sa bahay ng kanyang biyenan sa lalawigan ng Pangasinan.

Nang maglaon, napilitan pa siyang magbitiw sa kanyang posisyon dahil siya ay nahaharap sa mga kasong graft and corrupt practices.

Noon ‘yun … apat na taon na po ang nakararaan.

Ibang iba na ang buhay ngayon ni CRISTINO “Bong” NAGUIAT, Jr., itinalagang PAGCOR chair at chief executive officer (CEO) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Naguiat ay kabilang sa mapapalad na kaklase ni Noynoy na kahuntahan, kabarilan at kayosi niya sa tinatawag na ‘kitchen cabinet.’

Mula sa pakiki-SIBI sa kanyang biyenan na si Amadeo Perez, Jr., ng Pangasinan, si Bong Naguiat ay mayroon na umanong limang mansion na ang pinaka-latest ay ang ipinagagawa umanong P100-M mansion sa La Vista.

Bukod d’yan, nagpapalapad na rin umano ng kanyang business empire sa Pangasinan si Naguiat. Mayroon na siyang beach resort, ospital, gasoline stations, fish ponds at limang-ektaryang mangahan sa mga bayan ng Urdaneta at San Fabian.

What the fact!?

Ayon sa kanilang mga kanayon, mula nang umupo bilang PAGCOR chair si Naguiat noong 2010, hindi na matatawaran ang ipinakikitang LIFESTYLE na gaya sa “the rich and the famous” ng pamilya Naguiat.

Bukod d’yan, sinabing ang mga Naguiat ay mayroong hindi mabilang na luxury cars at expensive motorcycles.

Madalas din umanong bumibiyahe sa labas ng bansa at sa mga mamahaling hotel nagtse-check-in at s’yempre shopping galore sa mga high-end signature apparel.

Ganyan na raw po ka-bigtime si Chairman Naguiat.

Anyway, lahat ‘yan ay itinanggi ni Chairman, pero sapat na ba ang pagtanggi lang?!

Sa ganang atin, may malalaking pangangailangan na isailalim sa LIFESTYLE CHECK si Chairman Naguiat …lalo na ngayon na malakas ang panawagan ng ilang Mambabatas na sibakin ‘este’ palitan na siya sa PAGCOR.

Hindi sa 2015 at lalong hindi sa 2016 … dapat NOW na!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com/

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *