PATAY ang isang 32-anyos barangay caretaker makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakatayo sa isang gate sa Parola Compound,Tondo. Maynila kamakalawa.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Dexter Galla, barangay maintainance ng Brgy. 20, Zone 2, District 1, ng Area A, Gate 4, Parola Compound.
Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 1:30 p.m. nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Sinasabing maaaring napagkamalan na asset ng pulis ang biktima na may negosyong illegal na droga sa Parola compound.
(LEONARD BASILIO)