Monday , December 23 2024

St. Therese School sa Plainview Subd., Mandaluyong City marumi ang waiting area, walang CR at electric fans para sa parents/guardians (Attention: Mayor Benhur Abalos)

00 Bulabugin JSY

PAGING Mandaluyong St. Therese Private School management!

Nananawagan po ang mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa inyong eskwelahan na napakamahal umano ng tuition fee pero kulang sa serbisyo.

Reklamo ng mga magulang, mga yaya at mga lola ng mga batang nag-aaral sa St. Therese Private School sa 720 Sgt. Bumatay St., Plainview Subd., Mandaluyong City napakarumi ng inyong waiting area, hindi pwedeng gumamit ng comfort rooms at wala rin electric fan man lang.

Ang mga batang nag-aaral d’yan ay edad 3 hanggang 5-anyos na bata, nursery and kindergarten, kaya mahigpit talaga ang pangangailangan na maghintay ang mga bantay.

Umaabot lamang sa dalawang oras (11:00 a.m. – 1:00 p.m.) ang klase ng mga bata kaya hindi na umaalis ang mga bantay.

Ang siste, bawal umihi ang mga bantay/yaya sa toilet ng school at walang toilet sa waiting area.

May nakasulat pa na bago maghatid sa mga bata umihi na sa mga bahay nila.

Anak ng pusa naman!!!

‘E pano kung emergency ang call of nature?

Sa pantalon na dudumi o iihi na lang sa tabi-tabi?

Wala rin electric fan man lang! Napakarumi rin ng waiting area. May dumi ng daga sa garahe at amoy ihi rin ng daga!

Napag-alaman din na ang nasabing paaralan ay ini-convert lang mula sa dating residential. Walang malinaw na blue print o plano kung ano ang istura ng building. Kaya nagtataka ang parents/guardians kung bakit naaprub na maging eskwelahan ‘yan.

Alam kaya ‘yan ng Mandaluyong City permit department o ni Mayor Benhur Abalos ang poblema ng mga mag-aaral at magulang d’yan sa St. Therese private school?

Napakamahal pa naman ng bayad sa school kaya hindi na sila makaatras para i-pull-out ang kanilang mga anak dahil umpisa na nga ng klase.

Paging Mandaluyong City government!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *