Thursday , December 26 2024

Paging Commissioner Sevilla

YES, the transacting public is calling the attention of Customs Commissioner sa mga panghahataw na ginagawi ng mga corrupt na examiner/appraiser sa dalawang malalaking collection ports sa Manila – ang P0M at MICP.

Buong akala ng mga importer/broker mababawasan na ang kanilang sakit ng ulo sa walang tigil na tara ( extortion money) na rampant before the new top leadership ay na-appoint noong Enero. Hindi pa pala tapos ang kanilnag ordeal, Commissioner Sevilla.

As backgrounder, bago dumating sina Commissioner mahigit 20 “ask groups (extort groups) ang tumatara every week without letup sa mga pobreng trader. Kahit hirap sila sige-sige lang. Marahil naipapaliwanang nila sa ma client nilang importer na ang mga buwayang katihan sa Aduana superactive. Imagine, 21 “ask groups” mula sa police, sa intelligence, assessment at offices ng district collector at service chiefs. Ganito sila katakaw noon.

Akala ng mga negosyante, tapos na ang kalbaryo nila at kikita na sila ng kaunti sa kanilang client importer. (Note” marahil noon may suicide na mga broker na magpuslit sa pamamagitan ng undervaluation o misdeclaration pero dapat ka-sabwat nila ang mga buwaya.

Nabuwag nang tuluyan ang mga ask force 20 sila. Nabuwag nga nang tuluyan ang mga ask group, pero pumalit sa kanila ang mga taga- assessment – examiner at appraiser.

Walang kalusot-lusot ang mga trader sa kanila. Bakit kanyo? Hindi ipo-process ang papers nila (Entry) hangga’t hindi nag-a-advance ng kanila hinihingi.

Mula P10, 000 hangang P15, 000 bawat con- tainer van depende sa value ng kargamento. No payment of tara, no processing of entry. May deadline na mini-meet ang mga broker sa kanilang mga client importer. Hindi rin nila babayaan na tumagal ang mga papeles dahil magiging madugo ito, lalaki ang demurrage at storage sa arrastre company at shipping line.

Ating tinanong ang mga biktima kung bakit hindi nila isumbong sa district collector o dili kaya sa opis ng commissioner. Ang sagot nila, harassment segurado ang aanihin nila kapag sila ay nagsumbong. Hahanapan ng butas kahit legal ang mga paper, delay na ito at additional gastos, sira sila sa kani-kanilang mga client.

Alam ba ninyo ang diskarte ng mga examiner kaya sila mataas sumingil ng tara, ang tawag nila ay OT (overtime, tsk tsk). Baka raw paggising nila nila wala na sila sa puesto nila, napalitan na.

Kaya desperate move ito. Patapangan na lang ng apog. Hindi pa napabalita na aabot sa 65 examiners at appraisers, ma-front liner ang mga ito, na naka-schedule kasuhan at dalhin sa Ombudsman ang kanilang kaso. Kasabay marahil nito, sisibakin sila sa pwesto.

Ang mga nasabing examiner/appraiser may reports of findings sa import/entry na pinirma-han at tila raw undervalued,misdeclared at under-invoice ng Import and Assessment Serice.

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *