Tuesday , November 5 2024

Mga corrupt sa PNR, patalsikin na! (Attn: DoTC Sec. Jun Abaya)

00 Bulabugin JSY

WALANG kamalay-malay ang taong bayan, na riyan pala sa Philippine National Railways (PNR) ay katakot-takot pa rin ang mga anomalyang nagaganap.

Mas malalaki nga raw ang buwaya sa ahensiyang ‘yan ng gobyerno. Mukhang hindi tumuwid bagkus ay lalo pa raw bumaluktot ang daan.

Mabuti na lang at may isang anti-corruption group na tulad ng Citizen’s Crime Watch o CCW ang nakadiskubre nito at humihiling ngayon na patalsikin sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa anomalya. Hindi birong halaga ang sinasabing sangkot sa anomalya, kulang sa P50 milyon na sana’y ipambibili ng ‘hardwood’ o traveza para sa pagsasaayos ng riles ng tren mula Tutuban hanggang Kabikolan.

Sa nadeskubreng pagkukutsabahan ng mga sangkot sa anomalya, imbes ‘hardwood’ na tulad ng yakal ang bibilhing mga kahoy na galing pa sa China, alam ba ninyong ‘larchwood’ ang kanilang inangkat!? Ang ganitong uri ng kahoy o larch, mga kabulabog, ay napakalambot kung gagamitin para sa riles ng tren bilang traveza at maaaring magdulot ng sakuna sa tren at maglagay sa peligro sa publiko at mga pasahero nito.

SONABAGAN!

Dahil sa hokus-pokus na isinagawa ng mga TULISAN diyan sa PNR para sila kumita, ang isinaad sa purchase order at kontrata ay yakal ang aangkatin nilang kahoy sa naturang bansa pero biglang naging larchwood. Lintek na malagkitan!

Ang matindi, ang naging presyo nito ay kulang sa P50 milyon, na hindi naman aabutin sa ganoong presyo ang ‘softwood’ na larch.

Tsk tsk tsk …

Grabe pala ang pinagparte-partehan ng mga corrupt diyan sa PNR, ha!? Kamakailan ay nagsampa na ng reklamo ng CCW sa tanggapan ng Ombudsman. Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ang mga enhinyero, abogado at iba pang matataas na opisyal ng PNR.

Una, si dating General Manager Junio Ragrario, Jane Balong-angey, Rosendo Calleja, Edwin Balong-angey, Estrelito Nierva, Engineer Ruben Besmonte, Atty. Estrelito Perilla, Abdul Aziz Pangandaman at Engineer Mario Arias.

Isinasabit din sa asunto, ang mga pribadong supplier ng kahoy na sina ANDRONICA ROMA at CARMELITA FUA ng NIKKA Trading na sila umanong kakutsabang nagdeliber ng ‘softwood’ imbes na hardwood o yakal.

Ang mga kasong kinakaharap ngayon ng mga sangkot sa anomalya ay paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ito ay kasalukuyang dinidinig sa Ombudsman.

Ang ipinag-aalala ng mga pinuno ng CCW, bakit tanging si Ragrario pa lamang ang pinatalsik sa puwesto at ang iba pang isinasangkot sa katiwalian ay kasalukuyan pa rin nariyan sa PNR?

Kung hindi nga naman sila sisibakin sa puwesto, baka ang mga ebidensiya laban sa kanila ay hindi maipreserba at maglaho na lamang na parang bula.

Pwede rin ma-hokus-pokus dahil d’yan sila magagaling?

Tama ba DOTC Sec. Jun Abaya?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *