Sunday , November 17 2024

Mga corrupt sa PNR, patalsikin na! (Attn: DoTC Sec. Jun Abaya)

00 Bulabugin JSY

WALANG kamalay-malay ang taong bayan, na riyan pala sa Philippine National Railways (PNR) ay katakot-takot pa rin ang mga anomalyang nagaganap.

Mas malalaki nga raw ang buwaya sa ahensiyang ‘yan ng gobyerno. Mukhang hindi tumuwid bagkus ay lalo pa raw bumaluktot ang daan.

Mabuti na lang at may isang anti-corruption group na tulad ng Citizen’s Crime Watch o CCW ang nakadiskubre nito at humihiling ngayon na patalsikin sa puwesto ang mga opisyal na sangkot sa anomalya. Hindi birong halaga ang sinasabing sangkot sa anomalya, kulang sa P50 milyon na sana’y ipambibili ng ‘hardwood’ o traveza para sa pagsasaayos ng riles ng tren mula Tutuban hanggang Kabikolan.

Sa nadeskubreng pagkukutsabahan ng mga sangkot sa anomalya, imbes ‘hardwood’ na tulad ng yakal ang bibil-hing mga kahoy na galing pa sa China, alam ba ninyong ‘larchwood’ ang kanilang inangkat!? Ang ganitong uri ng kahoy o larch, mga kabulabog, ay napakalambot kung gagamitin para sa riles ng tren bilang traveza at maaaring magdulot ng sakuna sa tren at maglagay sa peligro sa publiko at mga pasahero nito.

SONABAGAN!

Dahil sa hokus-pokus na isinagawa ng mga TULISAN diyan sa PNR para sila kumita, ang isinaad sa purchase order at kontrata ay yakal ang aangkatin nilang kahoy sa naturang bansa pero biglang naging larchwood. Lintek na malagkitan!

Ang matindi, ang naging presyo nito ay kulang sa P50 milyon, na hindi naman aabutin sa ganoong presyo ang ‘softwood’ na larch.

Tsk tsk tsk …

Grabe pala ang pinagparte-partehan ng mga corrupt diyan sa PNR, ha!? Kamakailan ay nagsampa na ng reklamo ng CCW sa tanggapan ng Ombudsman. Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ang mga enhinyero, abogado at iba pang matataas na opisyal ng PNR.

Una, si dating General Manager Junio Ragrario, Jane Balong-angey, Rosendo Calleja, Edwin Balong-angey, Estrelito Nierva, Engineer Ruben Besmonte, Atty. Estrelito Perilla, Abdul Aziz Pangandaman at Engineer Mario Arias.

Isinasabit din sa asunto, ang mga pribadong supplier ng kahoy na sina ANDRONICA ROMA at CARMELITA FUA ng NIKKA Trading na sila umanong kakutsabang nagdeliber ng ‘softwood’ imbes na hardwood o yakal.

Ang mga kasong kinakaharap ngayon ng mga sangkot sa anomalya ay paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ito ay kasalukuyang dinidinig sa Ombudsman.

Ang ipinag-aalala ng mga pinuno ng CCW, bakit tanging si Ragrario pa lamang ang pinatalsik sa puwesto at ang iba pang isinasangkot sa katiwalian ay kasalukuyan pa rin nariyan sa PNR?

Kung hindi nga naman sila sisibakin sa puwesto, baka ang mga ebidensiya laban sa kanila ay hindi maipreserba at maglaho na lamang na parang bula.

Pwede rin ma-hokus-pokus dahil d’yan sila magagaling?

Tama ba DOTC Sec. Jun Abaya?

ANG NALALAPIT NA PAGHUHUKOM KAY ERAP

TOTOO nga kayang malapit nang sentensiyahan este desisyonan ng Supreme Court bukas ang disqualification case (DQ) laban kay dating Pangulong Erap Estrada?!

Kung totoong na-agenda sa Supreme Court ang desisyon sa DQ ni Erap, marami ang naniniwala na ‘yan ay bukas na magaganap, Hulyo 1, araw ng Martes.

Kung ang desisyon ay pabor sa sambayanang Manileño, marami ang matutuwa, dahil muling mabubuhay ang mga programa at proyekto para sa batayang social services.

Pero kung pabor naman kay Erap, aba ‘e magiging lehitimo na ang kanyang pagiging alkalde ng Maynila.

Pero ang hindi magandang balita na natanggap natin, kung hindi dedesisyonan ng Supreme Court ang disqualification case bukas, malamang abutin na raw hanggang Setyembre ‘yan.

Aba, ibig bang sabihin n’yan ‘e buhay pa rin ang mga galamay ni Ma’am Arlene d’yan sa Supreme Court?!

‘Yan po ang aabangan natin!

DALAWANG PULIS BANGKETA/PITSA SA MPD
(ATTN: PNP-NCRPO RD Gen. CARMELO VALMORIA)

Sumisikat ngayon ang mag-utol na lespu na alias “A” dahil sa pambabangketa ng mga ‘huli’ sa lungsod ng Maynila. Base sa sumbong sa Bulabugin, ‘yun isang lespu ay dating naka-assign sa pitchaan ‘este’ na-dissolved na unit na MPD-DPIOU. Hindi ba’t pumutok sa MPD HQ na kumita raw ang nasabing pulis ng P200k sa huli nilang droga?!

Si utol naman ay kilalang bagman ng isang MPD station commander. Nabalita rin kamakailan na may “PINITSA” si Kupitan sa isang nahuling shabu pusher sa isang hotel diyan sa Sta. Cruz at nakakompiska ng 10 gramo ng shabu. Ang kaso, tumagal nang ilang araw bago na-inquest ‘yung suspect dahil sa tawaran. Isang mansanas kasi ang inihihirit ni ‘Kupitan sa pusher’ hanggang bumagsak na lang sa beinte mil ang gay-la. Ang ginawa naman ni ‘kupitan’ ay ‘tinabasan’ ang nakompiskang ‘bato’ at halos isang gramo na lang ang iniharap na ebidensiya sa piskalya.

What the fact!!!

Kilala kaya ni Kernel GRAN, ang ‘kupitan’ na pinitsa ang huling shabu?

MPD DD Gen. ROLANDO ASUNCION sir, pwede bang pakapa mo ang dalawang salot na lespu sa MPD bago ka pa sumabit sa kanila!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *