HINTAYIN na lamang ang magiging anunsiyo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa magiging standard bearer ng administrasyon sa 2016 elections.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon.
Ayon kay Lacierda, wala pang napipili ang Pangulong Aquino at dumaraan sa proseso ang pagsala ng pambato sa presidential derby.
Ayon kay Lacierda, dapat taglay ng kanilang pambato ang katangiang gaya ng katapatan, walang bahid ng korupsyon at magpapatuloy ng reporma.
Kabilang sa sinasabing pambato ng administrasyon ay si Interior Sec. Mar Roxas (LP); at Sen. Grace Poe-Llamanzares (Independent), habang nagpahayag din ng interes sina Sens. Alan Cayetano (NP) at Antonio Trillanes (NP).