Tuesday , November 5 2024

Daan-daan milyong piso PCSO advertisements dapat imbestigahan na!

00 Bulabugin JSY

ISA tayo sa mga naniniwala na dapat nang itigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang mga paid advertisements na umaabot sa milyon-milyong piso sa mga d’yaryo, radio at telebisyon.

Imbes ilaan sa advertisements, mas mabuti pang ilaan ng PCSO ang daan-daan milyong pisong pondo nila sa iba pang social services na hindi napagtutuunan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Lalo na nga’t pinaghaharian lang daw ng isang alyas JENNY ‘yang advertisement sa PCSO.

Mukhang siya lang at kanyang mga kasabwat ang malaki ang nararaket (komisyon) sa pondong ‘yan!?

Kung maraming maralita ang hirap na hirap at nagkakaroon lang ng pagkakataon na makakita ng doctor at ospital sa panahon na kailangan na kailangan na nila, marami rin mga bata ang edad 9-anyos na pero hindi pa marunong magbasa at sumulat dahil hindi nakatutuntong sa paaralan.

Marami rin mga average high school graduates ang hindi nakapag-aaral sa kolehiyo dahil hindi sila makapasa sa mga scholarship program na pagkatataas ng hinihinging average.

‘E kung tutuusin, ang matatalino rito sa ating bansa ay ‘yung mayroong mga magulang na kaya rin silang pag-aralin sa kolehiyo.

Marami rin institusyon ang pinag-aagawan sila, dahil ang hinahanap nga nila ay matatalino.

‘E paano nga naman ‘yung mga maralita na average at below average?

Higit sa lahat, sila ang nangangailangan ng tulong para magkaroon naman sila ng pagkakataong umangat ang buhay.

Mantakin n’yo sa isang radio station mula sign in to sign out ng estasyon ay sandamakmak ang PCSO ads nila!

Mas makabubuti siguro na d’yan ilaan ng PCSO ang pondong inilalaan nila para sa advertisements.

Sa pamamagitan n’yan, hindi masasayang ang pondo, marami pang mapaaaral ang gobyerno.

Ano sa palagay ninyo PCSO Officer-In-Charge Joy Roxas?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *