GRABE naman talaga …
Nawalan na ba talaga ng kahihiyan ang mga taga-City Hall at maging ang parangal sa barangay ay pinopolitika na?
Isang eksampol, si Chairman Sigfred “Bobby” Hernane ng Barangay 128 Zone 10 District 1 ay pinarangalan bilang Most Barangay Malusog at Most Barangay Kinabukasan …
Isa pang eksampol … si Chairman Edna Ramos ng Barangay 119 (kanto ng Quezon at Coral streets) ay binigyan ng award na BEST BARANGAY …
Dalawang bagay lang po … si Hernane ay matagal nang inirereklamo ng mga kapwa barangay chairman dahil hinayaan niyang maagrabyado ang ibang barangay nang solong ipinagkaloob sa kanya ng Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng isang resolusyon ang Real Property Tax (RPT) shares ng iba pang barangay sa District 1, District II at District III.
Si Ramos, na nabigyan ng award na best barangay ay talagang nakahihiya …
Hindi ba’t sa barangay niya nagkaroon ng rambol na ikinamatay ng isang pedicab driver na ikinasugat niya at ng isang 12-anyos noong Bagong Taon?!
Kamakailan lang ay isang kilalang pusher na isang alyas LINA SAKANG ang itinumba ng riding-in-tandem. Sa impormasyon, si alyas LINA SAKANG ay hindi lamang tulak kundi nagngunguso pa sa pulisya ng kanyang mga karibal sa pagtutulak.
Kaya ang barangay ni Chairwoman Ramos na nasasakop ang Quezon at Coral streets ay bantad na bantad sa illegal na droga.
‘Yan ba ang tinatawag na BEST BARANGAY?!
Kung ang Barangay 119 ni Chairman Edna Ramos ang best barangay, aba ‘e wala na palang ‘MAGULONG barangay’ at ang ‘SANDAMAKMAK’ na illegal na droga ay baka malaya pang naisasalya sa area of responsibility niya.
Paki-EXPLAIN lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com