Monday , December 23 2024

Parangal sa Araw ng Maynila pinolitika na rin

00 Bulabugin JSY

GRABE naman talaga …

Nawalan na ba talaga ng kahihiyan ang mga taga-City Hall at maging ang parangal sa barangay ay pinopolitika na?

Isang eksampol, si Chairman Sigfred “Bobby” Hernane ng Barangay 128 Zone 10 District 1 ay pinarangalan bilang Most Barangay Malusog at Most Barangay Kinabukasan …

Isa pang eksampol … si Chairman Edna Ramos ng Barangay 119 (kanto ng Quezon at Coral streets) ay binigyan ng award na BEST BARANGAY …

Dalawang bagay lang po … si Hernane ay matagal nang inirereklamo ng mga kapwa barangay chairman dahil hinayaan niyang maagrabyado ang ibang barangay nang solong ipinagkaloob sa kanya ng Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng isang resolusyon ang Real Property Tax (RPT) shares ng iba pang barangay sa District 1, District II at District III.

Si Ramos, na nabigyan ng award na best barangay ay talagang nakahihiya …

Hindi ba’t sa barangay niya nagkaroon ng rambol na ikinamatay ng isang pedicab driver na ikinasugat niya at ng isang 12-anyos noong Bagong Taon?!

Kamakailan lang ay isang kilalang pusher na isang alyas LINA SAKANG ang itinumba ng riding-in-tandem. Sa impormasyon, si alyas LINA SAKANG ay hindi lamang tulak kundi nagngunguso pa sa pulisya ng kanyang mga karibal sa pagtutulak.

Kaya ang barangay ni Chairwoman Ramos na nasasakop ang Quezon at Coral streets ay bantad na bantad sa illegal na droga.

‘Yan ba ang tinatawag na BEST BARANGAY?!

Kung ang Barangay 119 ni Chairman Edna Ramos ang best barangay, aba ‘e wala na palang ‘MAGULONG barangay’ at ang ‘SANDAMAKMAK’ na illegal na droga ay baka malaya pang naisasalya sa area of responsibility niya.

Paki-EXPLAIN lang!

ANO ANG KAMANDAG NI ALBERT CORRES SA IMMIGRATION ANGELES CITY?
(ATTN: SoJ LEILA DE LIMA)

SINO ba talaga si ALBERT CORRES na asawa ni Immigration Angeles City field office Alien Control Officer (ACO) JANICE CORRES?

Biglang sumirit ang pangalan ng bugok este ng taong ‘yan matapos mapakapit-tuko raw sa mga galamay ni JACK ASS ‘este LAM, ang Chairman ng Jimei Group sa Fontana casino.

Matatandaang naging matunog ang pangalan niya matapos ilathala ng Manila Times ang mga nasangkutan niyang extortion activities involving Chinese nationals sa ating bansa.

Ayon sa ating Bulabog boys sa Angeles City, may opisina raw sa Clark ‘yang si Albert Corres na pinagdadalhan ng travel documents ng kanilang mga kliyenteng (Korean & Chinese) na nangangailangan ng Immigraftion ECC (exit clearance certificate).

Aba kung totoo ang info na ‘to, hindi ba’t illegal ‘yan?!

Para raw extension ng opisina ng Bureau of Immigration ang opisinang ito at ‘yan ay dahil sa pagiging Alien Control Officer ng asawa niya na si ACO Janice Corres ng Angeles Immigration Field Office!?

Partners-in-crime palang maituturing ang tandem ng mag-asawa?

Hindi kaya masyadong ma-compromise ang Bureau, Immigration Commissioner Fred Mison, kung may ganitong aktibidades at illegal transactions sa BI Angeles Field Office?

NAMUMUTIKTIK NA PUTIK SA BRGY. TANGOS NAVOTAS CITY
(ATTN: MAYOR JOHN REY TIANGCO)

MATAGAL nang inirereklamo ng mga residente sa Barangay Tangos, sa Lungsod ng Navotas ang hindi na maalis-alis o malinis-linis ang putik sa kanilang kalye sa mahabang panahon.

Kung hindi sila binabaha, putik naman ang namumutiktik sa mga kalye nito.

Nitong nakaraang tag-araw, nagsimula ang proyektong paghuhukay ng panibagong drainage sa mga kalyeng nakapaikot sa Tangos Elementary School at Navotas High School Annex.

Nilagyan ng contractor ng andamyong makipot na tinutulayan ng mga residenteng nagdaraan sa lugar. Pero ang siste, Walang makalabas-pasok na mga sasakyan kahit na de-padyak dahil lumiit na ang daan na isinasara pa ng mga barangay tanod kung gabi.

Reklamo ng mga residente sa atin, matagal nang hindi inaaksyonan ang problemang ito maging ng kanilang barangay captain na si MANDING ROQUE.

Proyekto raw ng City Hall ang pagbubungkal ng mga kalye sa Barangay nila at wala raw siyang pakialam dito.

Inabot na ng bagyo at tag-ulan ang proyektong kaya apektado lahat ng mga mag-aaral sa Tangos Elementary School at Navotas High School dahil hindi sila makaiiwas sa maputik na daan. Ang delikado pa rito, makipot ang andamyong inilagay ng kamoteng contractor!

Bakit daw ‘yung reblocking sa EDSA, isang linggo lang tapos na, komento pa ng mga taga-Barangay Tangos.

Nanawagan sila kay Navotas Mayor JOHN REY TIANGCO na resolbahin ang problema nila sa kanilang lugar.

Ano ba ang ginagawa ng contractor nito at hindi matapos-tapos ang drainage project?

Tunay naman na kaawa-awa ang mga estudyante na dumaraan sa mga kalyeng pinagbubungkal ng nasabing contractor!

PANGKALAHATANG BAGMAN NG DIVI VENDORS NASA OPISINA NI GEN. ROLANDO ASUNCION?

ISANG tulis ‘este’ pulis na alias BOY TONG WONG ang parang tumama sa Lotto dahil sa kanya naka-imbudo ang intelihensiya ng mga vendors sa Divisoria na sakop ng MPD PS-11 at PS-2.

Base sa sumbong sa Bulabugin, jackpot nga raw si alias BOY TONG WONG dahil siya at ang mga galamay n’ya ang kumokolektong ng BLOOD MONEY sa pobreng vendors sa divisoria.

Para siyang lagum na taga-Chop chop ng ‘parating’ sa dalawang nakasasakop na presinto at sa City Hall.

Ayos naman daw ang palakad niya dahil siya ang humaharap at nakikipag-usap kapag may hakutan o hulihan sa mga vendors.

Katwiran ni Boy Tong, nagkakahigpitan daw sa 1602 kaya’t bumabawi sila sa mga pobreng vendors sa kolektong.

May style bulok pa raw na pataas-tara dahil nadagdagan daw ng unit sa city hall.

Sonabagan!!!

MPD DD Gen. Rolando Asuncion, totoo ba ang usapan diyan sa headquarters na diyan pa raw sa opisina mo naka-assign ang berdugo ng mga vendor na si alias Boy tong-wong!?

Paki-explain nga ho!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *