Tuesday , November 5 2024

Namumutiktik na putik sa Brgy. Tangos Navotas City (Attn: Mayor John Rey Tiangco)

00 Bulabugin JSY

MATAGAL nang inirereklamo ng mga residente sa Barangay Tangos, sa Lungsod ng Navotas ang hindi na maalis-alis o malinis-linis ang putik sa kanilang kalye sa mahabang panahon.

Kung hindi sila binabaha, putik naman ang namumutiktik sa mga kalye nito.

Nitong nakaraang tag-araw, nagsimula ang proyektong paghuhukay ng panibagong drainage sa mga kalyeng nakapaikot sa Tangos Elementary School at Navotas High School Annex.

Nilagyan ng contractor ng andamyong makipot na tinutulayan ng mga residenteng nagdaraan sa lugar. Pero ang siste, Walang makalabas-pasok na mga sasakyan kahit na de-padyak dahil lumiit na ang daan na isinasara pa ng mga barangay tanod kung gabi.

Reklamo ng mga residente sa atin, matagal nang hindi inaaksyonan ang problemang ito maging ng kanilang barangay captain na si MANDING ROQUE.

Proyekto raw ng City Hall ang pagbubungkal ng mga kalye sa Barangay nila at wala raw siyang pakialam dito.

Inabot na ng bagyo at tag-ulan ang proyektong kaya apektado lahat ng mga mag-aaral sa Tangos Elementary School at Navotas High School dahil hindi sila makaiiwas sa maputik na daan. Ang delikado pa rito, makipot ang andamyong inilagay ng kamoteng contractor!

Bakit daw ‘yung reblocking sa EDSA, isang linggo lang tapos na, komento pa ng mga taga-Barangay Tangos.

Nanawagan sila kay Navotas Mayor JOHN REY TIANGCO na resolbahin ang problema nila sa kanilang lugar.

Ano ba ang ginagawa ng contractor nito at hindi matapos-tapos ang drainage project?

Tunay naman na kaawa-awa ang mga estudyante na dumaraan sa mga kalyeng pinagbubungkal ng nasabing contractor!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *