TODAS ang isang negosyante makaraan barilin ng hindi nakikilalang gunman habang sakay ng motorsiklo sa Gen. Trias, Cavite, kamakalawa.
Namatay habang ginagamot sa UMC hospital ang biktimang si Fidel Santos, 48, may-asawa, negosyante, ng Phase 1, Blk. 15, Lot 11, Parklane Subd., Brgy. San Francisco, Gen. Trias, Cavite.
Sa imbestigasyon ni PO3 Hermes Casauran, dakong 12:15 p.m. habang pauwi ang biktima lulan ng motorsiklo nang barilin siya ng suspek. (BETH JULIAN)