Monday , December 23 2024

Playground ng Brgy. 151 Z-13 D-1 tinayuan ng mansion ni kapitana!? (Attn: DILG)

00 Bulabugin JSY

Isang reklamo ang ipinarating sa atin ng mga residente sa lugar an kung tawagin ay ISLA sa CAPULONG St., Tondo, Maynila.

Kaugnay ito ng isang proyekto ng barangay na matagal na nilang inaasam-asam — ang PLAYGROUND para sa kanilang mga anak.

Desmayado ang mga residente sa Bgry. 151 sa kanilang Punong Barangay na si Brgy. Chairwoman CELIA MANALAD dahil naglaho ang katuparan sa ipinako ‘este’ ipinangakong playground project para sa mga batang-paslit sa kanilang lugar.

Hanggang mapansin nila na may nakatayo nang isang malaking mansion ‘este’ bahay na bato sa lugar na dapat ay para sa playground.

Anyare Kapitana Manalad?!

Ang labis pang ikinabwisit ng mga residente ay nang malaman nila na ang malaking haybol pala ay pag-aari ng pamilya ni Kapitana Manalad.

What the fact!!!

Wala naman maglakas ng loob na kwestyonin ang mga opisyal ng Barangay dahil sa takot na mapag-initan sila ng dating barangay chairman na incidentally ay asawa ni Kapitana Manalad.

Takot daw kasi ang mga residente kay Barangay first gentleman dahil kilala na ‘nambabarako’ lalo na kung naka-singko litros?

Kapitana Manalad, totoo ba na sandamakmak ang naging kaso ng ‘papa’ mo noon siya pa ang punong barangay sa lugar n’yo?

Kumusta na rin ba Madam Chairwoman ang mga JUMPER ng koryente na 15k/linggo at patubig sa inyong barangay?

Uulitin ko lang po ang tanong ng inyong constituents Kapitana Manalad, NASAAN ang pangako ninyong playground na naging bahay na ninyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *