NAARESTO ng mga operatiba ang isang lalaki na malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa sapin-saping mga kaso sa Baliuag, Bulacan.
Sa ulat ni Supt. Enrico Vargas, Baliuag Police chief, kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan acting police director, ang suspek ay kinilalang si Edilberto Santos, 47-anyos. Batay sa ulat, si Santos ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Unit at Baliuag Police sa pamumuno ni Supt. Vargas sa isang kubling bahay sa Brgy. Sulivan, sa naturang bayan. Ayon kay Divina, si Santos ay may kasong murder at illegal possession of firearms.
(MICKA BAUTISTA)