NAKAISIP ang French bottled water brand Vittel ng kakaibang pamamaraan ng pagpapaalala kung dapat nang uminom ng inirekomendang walong baso ng tubig kada araw.
Ang special bottles ay may twistable cap. Ang maliit na red flag ay susulpot kada oras bilang paalala na dapat nang uminom ng tubig.
Makaraan uminom ng tubig, at pag muling i-twist ang cap, ito ay mase-set sa timer na magreresulta sa muling pagsulpot ng bandila makaraan ang 60 minuto. (ORANGE QUIRKY NEWS)