Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, buong tapang na inaming nagpa-lipo

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Jennylyn Mercado na nagpa-arm lipo siya kay Dra. Vicky Belo sa pamamagitan ng Belo Medical Group nito.

Kung ang ibang babae lalo na ang mga artista ay kimi o itinatago na may ipinagawa sila o ipinabago sa kanilang hitsura, si Jen ay very proud pa. Dahil aniya, “happy ako sa ipinagawa ko at naging resulta ng arm lipo ko. Hindi lang kasi nakaka-gain pa ng mas maramign kaibigan, bagkus, nagbu-boosts pa confidence ng confidence,” giit niya sa isinagawang press conference kahapon sa Annabel’s Restaurant.

Sinabi pa ni Jen na, gusto niyang magkaroon ng sexy sculpted arms at lahat na ng paraan ay ginawa na niya tulad ng pagpunta sa gym, pagiging aktibo sa sports, pagda-diet, non surgical slimming options, pero, tila wa epek ang mga ito kaya naman lumapit siya kay Dra. Belo.

Sinabihan siya ni Dra. Belo na i-try ang Laser Lipo Arms sa kanyang clinic. Kaya naman agad-agad itong sinubukan ni Jen. “I’m 200 percent sure that I will be handled only by the best doctor and the best clinic. In fact, hindi ko siya iko-consider if it’s not Belo,” paliwanag ni Jen.

Alam ni Jen na hindi naman niya maitatago ang ipinagawang pagbabago sa kanyang sarili kaya naman buong ningning niyang inihayag ito. “Yes, I did the Belo Laser Arms and I am proud of it.

“Actually, pare-pareho lang naman sila tulad ng diet pills, or exercising evern RFs. They’are all made for arm slimming. Ganoon din sa Lipo Arms, the only difference is that it’s surgical, but it’s more exact and will give you the fastest result that you want,” dagdag pa ni Jen.

062514 jennylyn mercado

Ibinuking naman ni Cristalle Henares na siya man ay nagpa-arm lipo dahil ito raw ang unang-unang nakikita o tinitingnan ng tao. Sinabi rin nitong umaabot na sa 15,000 katao ang nagpa-arm lipo sa kanila at halos araw-araw ay marami ang lumalapit sa kanila para sa prosesong ito.

Idinagdag pa ni Jen na kahit surgical ang proseso, wala siyang masyadong pain na naramdaman at madali lang mag-heal dahil after three days ay nakapag-taping na uli siya.

Sa kabilang banda, natanong kay Jen kung totoong may bago na siyang BF (non-showbiz) dahil super-ganda siya ngayon.

“Naku wala, hindi nga ako nakikipag-date dahil hindi pa rin ako ready. Siguro ano, parang na-feel ko lang, ang sarap parang maging single, no?

“‘Yung nakaka-focus ka sa sarili mo, sa pamilya mo, sa career mo at parang doon na umiikot ‘yung mundo ko ngayon, sa tatlo—sa sarili ko, sa family ko, sa career ko,” paliwanag pa ni jen.

Iginiit pa ni Jen na hindi rin siya nage-entertain ng suitors dahil bina-block niya ang mga ito. “Kasi nga, hindi pa ako ready. Ang hirap din siyempre na mag-entertain na hindi ka pa ready. Unfair din naman sa mga tao. So might as well, single ka na lang muna.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …