Monday , December 23 2024

Huwag i-romanticize ang pag-aresto sa 3 pork senators

00 Bulabugin JSY

AGREE tayo sa payo ni Senate majority leader, Senator Alan Peter Cayetano sa mga taga-media at ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa kanilang kapwa senators na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada na akusado ng kasong pandarambong (plunder) at ngayon ay kapwa nakapiit na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Bakit nga naman hindi ‘yung akusasyon laban sa kanila ang talakayin ng mga taga-media hindi ‘yung mga reklamo nila na parang kinakawawa sila ng estado?

Para nga naman humihikayat pa ng simpatiya at awa ang mga taga-media para kina Bong at Jinggoy gayong sila naman ang may kagagawan kung bakit nahaharap sila sa kasong Plunder ngayon ‘di ba?

Ayon nga kay Senator Alan, “We should remember that the poor and hungry farmers are the real victims here. Almost all the major corruption issues in the government involved agriculture funds like the fertilizer fund scam, swine scam and this issue of pork barrel funds.”

Mas dapat nga namang isulat kung ano ang kinahinatnan ng mga magsasaka natin at pamilya nila na inagrabyado at binalasubas ng mga mandarambong na mambabatas sa pamamagitan ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel funds.

‘E sabi nga ni Senator Sonny Trillanes, may kasabihan, “If you do the crime, you do the time.”

Magtiis kayo at harapin ang sirkumstansiya ng mga pinaggagagawa ninyo.

Aniya, ‘yang mga daga at ipis, naranasan rin niya pero hindi siya nagreklamo. Sobrang init na nakasasakit ng ulo, walang telepono at walang telebisyon, normal lahat ‘yan para sa isang bilanggo.

Ang comfort room ay hindi comfort talaga dahil walang shower at walang bidet — tabo at timba lang.

Hindi katulad nila ngayon na kutson pa ang hihigaan at walang kasamang ibang preso, kundi silang dalawa lang.

Hindi katulad ni Senator Trillanes na talagang inihalubilo sila sa iba pang bilanggo.

Mas mabuti pa nga raw noong nasa Camp Aguinaldo sila, nakasasagap pa sila ng sariwang hangin pero nang ilipat sila Camp Crame, grabe ang init na naranasan niya.

Pero dahil likas na displinado at hindi ‘SPOILED BRAT’ sinikap ni Senator Trillanes na maging produktibo habang siya ay nakakulong.

Ginampanan pa rin niya ang kanyang trabaho bilang isang Senador.

At siya ay nagtagumpay.

O ngayon, naiintindihan na ninyo, Mr. Bong Revilla and Jinggoy Estrada?!

Wala kayong karapatang humingi pa ng pabor dahil akusado kayo na inagrabyado ninyo ang mga magsasaka natin.

MAGTIIS at MAGDUSA muna kayo!

NEWPORT PERFORMING ARTS THEATRE MAY PROBLEMA AT PALPAK SA BOOKING!

LAST Friday, isang kapamilya kasama ang kanyang dalawang kaibigan ang bumili at naka-book sa patron seat ng Newport Performing Arts Theatre para sa stage play na Prisicilla.

S’yempre excited silang magkakaibigan dahil matagal na nila itong hinihintay na mapanood.

Pero ‘yung excitement nila ay napalitan ng pagka-desmaya dahil pagdating nila sa upuan ay OKUPADO ang PATRON SEAT na nakalaan para sa kanila.

Ang ginawa ng kapamilya natin ‘e tinawag ang usherette para nga i-arrange ang seat nila.

Aba, ang kasagot-sagot ba naman ‘e, VIP daw ‘yung nakaupo kaya hindi na raw pwedeng paalisin.

What the fact!!!

Hanggang makausap nila ang Theatre manager na si Ms. BETH CRUZ GARBO.

Pasensiya na raw, ire-rebook na lang next Friday.

SONABAGAN!!!

‘E bakit nagbebenta pa kayo ng TICKET kung hindi n’yo rin naman kayang panghawakan ‘yan sa VALID TICKET HOLDER?!

Mayroon bang ‘SCALPER’ sa Newport Performing Arts Theatre?

Paki-EXPLAIN!

BI ANGELES ACO TINABLA SI COMM. MISON AT SOJ DE LIMA
(ATTN: SOJ LEILA DE LIMA)

Kamakailan lang ay naglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng Office Order No. SBM-2014-12.

“Prescribing The Operating Rules and Guidelines In Temporary Visitor’s Visa Extension of Chinese Nationals.”

Ito ay bilang pagsunod sa Letter Order na pinirmahan ni DOJ Sec. Leila Delima dated January 2014.

Kabilang sa ipinag-utos sa nasabing Office Order ang HINDI pag-extend sa visa ng Chinese nationals na inisponsoran ng ilang travel agencies na gumamit ng fraudulent or fake documents para sa kompanyang Sitel, Philippines upang makakuha ng 47a (2) visa.

Ilan sa nasabing travel agencies gaya ng Orient Pacific International Travel, Leap Fast 888 Travel and Tours at ilang iba pa ang sangkot sa nasabing anomalya kaya pinatawan ng BANNED ORDER ng Bureau of Immigration.

Base sa nasabing Office Order, hindi na pinapayagang mag-extend ang sinomang Chinese national matapos mag-lapse ang 59 days allowable stay nila sa bansa. Kung sila man ay may sponsor na travel agency at kung sila man ay mag-a-apply ng extension, sila ay papatawan ng “Order to Leave” within 15 days period.

Pero ano ang nabalitaan natin na isang BI Alien Control Officer (ACO) ang hayagang sumuway sa kautusan ni Immigration Comm. Fred Mison at ni Sec. Madam Leila De Lima?!

Hayagang sinuway ni Angeles City field office ACO JANICE CORRES ang nasabing Office Order nang bigyan pa rin n’ya ng extension ang isang Chinese national na nagngangalang CHEN YAN YUN, nito lang June 10, 2014 at ang matindi pa rito ay ini-extend niya ito hanggang 18 August 2014!

This is a flagrant disregard and defiance of Office Order signed by the Honorable Commissioner and the Secretary of Justice!

Sonabagan!!!

Hindi lang ‘yan. Ang naturang tsekwa ay iniisponsoran ng ORIENT PEARL Travel and Tours na kasama sa ipinag-utos na i-BAN ng Bureau pati na ng DoJ!

What the fact!?

Comm. Fred Mison, mukhang talagang pasaway ang ACO ninyo!

Sino bang ipinagmamalaki ni ACO Janice Corres at ganoon na lang katapang ang apog para suwayin kayong dalawa ni SoJ De Lima?!

(May kasunod pa bukas)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *