ITO ang isang magiging malaking problema na kakaharapin ng Bureau of Customs (BoC) sa kanilang computerization program,
Ang Pinoy HACKERS ay kilala sa buong mundo na matitinik na computer hackers.
Anong programa o proteksyon ang gagawin ng Bureau of Customs to protect their system against these hackers?
Remember, when computerization was introduce at the BoC during the time of former Commissioner Napoleon “Boy” Morales, na everytime nagba-bugdown ang computers ser-vers ng customs?
Hinala ng BoC employees, there is something going on and no one can even explain why or what is happening.
Madalas ang pagkasira ng mga computer server and it take hours para tumakbo ito.
Ang hinala pa nga ng iba, may lumalabas na kargamento na untraceable sa computers program at that time. Hindi kaya ganito na naman ang mangyari sa bagong BoC administration?
Malaking problema ‘yan.
Dapat may nakahandang counter-measure sa program of computerization against possible hackers attack.
Para maiwasan magamit ng mga smuggler ang masamang sistema (computer fraud at cyber crime) gaya nito.
Ricky “Tisoy” Carvajal