Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Multo at kabayong itim sa panaginip

Yo Señor H,

Nnginip ako ng kabayong itim at multo, bago ito napanood ko ang palabas ni vice ganda, tas nung gabi na pgtulog ko, nngnip n nga ako ng ganun. Anu po b ipnhihiwtig nito s akin? Wait ko sgot s htaw,, sna mbsa ko agad. I’m Linda, wag nio po papablis ang n0. Ko, tnx!

To Linda,

Ang kabayo sa panaginip ay sumasagisag sa strength, power, endurance, virility, at sexual prowess. Ito ay nagpapakita rin ng strong, physical energy. Kailangan mong rendahan ang mga wild forces. Maaari rin namang nagpapa-alala ito sa iyo na ikaw ay gumagawa ng kalokohan. Alternatively, posible rin na paalala ito na dapat bawasan ang pagiging arogante at bumaba sa mataas na pagkakaluklok sa ibabaw ng kabayo. Dahil partikular na sinabi mo na sa panaginip mo ay itim na mga kabayo ang iyong nakita, ito ay nagsasaad ng mystery, wildness, at ang unknown. Maaaring ikaw ay nagbabakasakali o nakikipagsapalaran sa ilang bagay na hindi mo kabisado. Ito ay posible rin namang may kaugnayan sa occult forces

Ang multo naman ay posibleng representative ng isang bagay na maaaring hindi na kayang makamit o ng mga bagay na hindi na abot-kamay. Ito ay nagsasaad na ikaw ay nakakaramdam na disconnected sa buhay at lipunan. Subukang isipin kung ano ang gusto ng multo sa iyong panaginip o kung ano ang kanyang hinahanap. Sa kabilang banda, ang bungang-tulog mo ay maaaring nagsasabi sa iyo na dapat ka nang mag-move on at iwan na ang outdated modes of thinking and behavior.

Maaari rin namang epekto lang ng iyong napanood ukol kay Vice Ganda ang bagay na iyong napanaginipan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …