Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuwentuhang condom

NAAALALA ko no’ng minsang napag-usapan namin ang condom habang kumakain kami ng aking mga kaibigang sina Joseph at Rey na hindi umaalis ng bahay nang wala nito, para bang bullet-proof vest ng sundalong sasabak sa giyera.

Naalala ko kung paanong nalulungkot sila—parehong sarado-Katoliko—sa pagturing ng Simbahang Katoliko sa artificial birth control bilang pagkamuhi sa mismong buhay. Na para ba’ng ang paggamit ng contraception kaysa natural na pagkontrol sa pag-aanak ay maituturing na pagpatay sa buhay na hindi pa naman nabubuo.

Maraming Katoliko, gaya ng mga kaibigan ko, ang napilitan nang talikuran ang turong ito ng Simbahan.

At kasing dami rin nito ang naniniwala na isang trahedya kung paanong ang walang limitasyong panganganak ay naghahatid sa mga kaawa-awang kaluluwang ito sa paghihikahos at pagkagutom kahit bago pa man sila maisilang sa mundo.

Ang kabalintunaang “pagsuway” nga ka-yang ito ng mga mananampalataya, gaya ng paglalako ng prostitusyon (ang isyung tinalakay ko noong nakaraang Martes), ay produkto ng isang simbahang natutulog sa pansitan at may tinig na hindi nakaaabot sa puso ng mamamayan?

May daan-daang argumentong pabor at kontra sa paggamit ng artipisyal na birth control.

Pero wala nang mas makatwiran pang argumento sa mga batang nagkakalkal sa mga basurahan para kahit paano’y malamnan ang sikmurang maghapon nang kumakalam o mga batang lalaki at babae na napipilitang magbenta ng mura nilang mga katawan para maibsan ang matinding gutom.

At mangyayari ang lahat ng ito bago pa man sila maging teenager!

Hindi na ito isang simpleng usaping moral. Isa na itong problema ng lipunan na dapat na pangunahan ng gobyerno ang pagbibigay ng solusyon.

Ang ating populasyon ay dapat na katumbas ng ating kakayahang magbigay ng mga oportunidad para sa isang disente at katanggap-tanggap na kalidad ng buhay, kabilang ang pagkakaroon ng pagkain, edukasyon at karapatang makaraos sa araw-araw na mga pangangaila-ngan para mabuhay.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …