Aries (April 18-May 13) Maaaring maimbitahan ka sa isang talakayan. Kung may nais kang sabihin, pag-isipan muna itong mabuti.
Taurus (May 13-June 21) Ang positibong katangian ngayon ay ang pagkakaroon ng determinasyon, mabilis na pag-iisip at madaling pag-unawa sa sitwasyon.
Gemini (June 21-July 20) Posibleng dumanas ngayon ng karagdagang trobol bunsod ng pagpapabaya sa sarili.
Cancer (July 20-Aug. 10) Pakiramdam mo’y handa ka nang ilabas ang lahat ng iyong saloobin ngayon.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang araw ngayon para sa office meeting gayundin sa paggawa ng reports, instructions, etc.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan talakayin ang long-term goals kasama ang iba pang mga miyembro.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maglalagare ka ngayon sa pagpapatupad ng mga gawain sa bahay at opisina.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi malayo ang tagumpay sa iyong determinasyon at pagsusumikap.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Huwag panghihinaan ng loob kung nagkamali ka man minsan.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kailangan mo rin ng magandang payo at suporta mula sa mga kaanak at kaibigan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Huwag masyadong alalahanin ang mga problema. Malulusutan mo rin ang mga ito.
Pisces (March 11-April 18) Pag-isipan nang mabuti kung ano ang posibleng mangyayari sa iyo sa hinaharap.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag mag-aapura sa pagdedesisyon kung hindi maganda ang iyong mood.
Lady Dee