Monday , December 23 2024

Ang veto ni PNoy vs The Order of National Artist kay Ms. Nora Aunor

00 Bulabugin JSY

TOTOONG may VETO ang presidente ng bansa at siyang may kaisa-isang kapangyarihan na kayang balewalain ang mga desisyon at napagkaisahan na ng isang ahensiya lalo kung direktang nakapailalim sa kanyang tanggapan …

Pero ang tanong, may ‘moral’ ground ba ang presidente para ibasura ang pagiging NATIONAL ARTIST ni Ms. Nora Aunor?

Kung ‘moralidad’ ang ginagamit na basehan ng Malacañang para ‘ibasura’ ang pagiging mahusay na artista ni Ms. Nora Aunor, meron ba nito ang Presidente o ang Palasyo?!

Ang unang batayan lang na gusto nating sabihin, ang Presidenteng may moralidad ay hindi kayang kumain nang masarap habang lampas sa 75 porsiyento ng kanyang mga mamamayan ay hindi nakakakain ng tatlong beses isang araw; hindi nakatutulog nang komportable sa gabi dahil maraming mamamayan ang walang bahay na matuluyan at sa bangketa inihihimlay ang kanilang habambuhay-napagod na katawan sa paghahanap ng makakain pero hindi sapat kahit sa dalawang kain lang …

Kapag wala na o sabihin nating 20 porsiyento na lang ang ganyan sa bansa, baka maniwala na tayo na may moralidad ang pangulo para ibasura ang The Order of NATIONAL ARTIST para kay Ms. Nora Aunor.

Ilang dekada nang naglingkod sa sambayanan sa ngalan ng sining si Ms. Nora Aunor.

Kung hindi tayo nagkakamali, halos limang dekada na rin.

At masasabi natin na ang ‘INSPIRASYON’ na naibigay ni Ate Guy/Nora Aunor sa sambayanan at sa indibidwal ay pawang ‘yung mga positibong bagay na pwedeng gayahin sa kanya.

Walang umidolo kay NORA AUNOR dahil sa mga ‘tsismis’ na siya ay may masamang bisyo.

Inidolo ng sambayanan si Nora mula sa kanyang Ma. Teresa Leonora movies bilang teenager, sa kanyang mga pelikulang Bona, Atsay, Himala, Sidhi at iba pa …

Sabi nga ni National Press Club Director (NPC) Ronniel De Guzman, si Nora Aunor, mata pa lang umaarte na.

Kayang ipakita ng kanyang mga mata ang iba’t ibang uri ng emosyon lalo na kung sasamahan pa ng dialogue na mabibigat rin ang linya.

Kaiba nga naman sa kanyang kontemporaryo na hinangaan din ng madla gaya nina Ms. Vilma Santos at iba pa pero kailangang ipakita ang emosyon sa pamamagitan ng boses na sumisigaw.

Hindi ba’t ganyan din ang ginawa nila kay Mang Dolphy?

Maraming sinilip na isyu sa moralidad ng aktor kung kaya’t hindi nagawaran ng The Order of National Artist.

Ang ipinalit ay sina Carlo Caparas sa Visual Arts and Films; Cecile Guidote-Alvarez sa Theater; Francisco Mañosa sa Architecture; at Jose “Pitoy” Moreno for Fashion Design.

Mabuti na lamang at nagkaroon ng wisyo ang Supreme Court para balewalain ang desisyon ni dating pangulong Gloria Macapagal – Arroyo sa paggawad ng National Artist award sa apat.

Tahasang inekisan ng Supreme Court ang Proclamation Nos. 1826, 1827, 1828, 1829 sa rason na “grave abuse of discretion.”

Isang tanong lang po ulit: Kung nagawa ng Supreme Court na balewalain ang apat na proklamasyon ng dating Pangulo, hindi ba nila pwedeng gawin na ‘ibalik’ ang The order of National Artist kay Ms. Nora Aunor?”

Paglilinaw lang po, ‘IBALIK’ ang ginamit na termino ng inyong lingkod dahil ‘essentially’ ay pinal na ang desisyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na gawaran ng The Order of National Artist si Ms. Nora Aunor kaya nagtataka tayo kung sino ang ‘very convincing’ na sulsulero diyan sa Palasyo kung bakit pinigil at ibinasura ni PNoy ang karangalan para kay Ms. Nora Aunor.

Alam mo ba ‘yan Sec. Sonny Coloma?

Kung politika ang batayan ng desisyon na ‘yan, palagay natin ay dapat nang mag-isip-isip kung sino man ang ‘babasbasan’ niya sa 2016 presidential election.

Good riddance ‘este’ good luck!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *