Tuesday , December 24 2024

1 patay, 3 sugatan sa rambol sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang tatlong iba pa sa rambol ng dalawang grupo ng magbabarkada sa Sariaya, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Jayson Egamino, 33, feed mill checker. Patuloy na ginagamot sa ospital ang kaibigan ng biktima na si Wilbert Eguia, 28, may-ari ng isang motorcycle shop.

Habang natukoy ang dalawa sa limang suspek na sina Rollenson Remo, 23, magsasaka, at Ferdinand Reyes, 27, security guard, kapwa sugatan din.

Ayon sa saksing hindi nagpabanggit ng pa-ngalan, lulan siya ng motorsiklo nang mag-overtake sa motorsiklo na ikinagalit ng mga suspek.

Sinundan umano siya ng mga suspek hanggang sa shop ni Equia ngunit siya ay nagtago. Ang mga biktima ang nakaharap ng mga suspek na nagresulta sa rambol ng dalawang grupong kapwa armado.

(RAFFY SARNATE/BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *