Monday , December 23 2024

Drug syndicate mahihirapan nang lumusot sa NAIA

00 Bulabugin JSY

MULI na namang sinubok ng pinaniniwalaang international drug syndicate ang ipinatutupad na security measures laban sa illegal drugs sa mga bodega ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

But for the _th time, sad to say ay ‘untog’ na naman sila nang tangkaing ipuslit sa LBC customs bonded warehouse ng airport kamakailan ang pinaniniwalaang “high grade” shabu na isiniksik pa sa mga kahon ng sapatos para lansihin ang mga awtoridad.

Hindi masasabing maliit na dagok lang sa sindikato ng droga, but the mere fact that the illegal drugs smuggle try was foiled ay masasabi na nating “big score” para sa grupo ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Ang nabigong pagpapalusot ng droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P25-milyon ay nakapangalan kay Isnaen Itti na may pick-up address sa LBC Branch 45, J. Alano St. Isabela City, Basilan.

Ang nagsisilbi namang sender ay kinilalang si Isnaen Helda ng Luzon avenue, Quezon City.

Dalawang anggulo ang pinag-aaralan ni BoC-NAIA District Collector Edgardo Macabeo sa latest drug seizure. Una, ito ay posibleng “test shipment” ang nangyari pero dahil natimbog agad hindi na ito ang scheme na gagamitin ng sindikato.

Puwede rin tangkain muli ng sindikato na magpalusot sa ibang cargo house na pinaglalagakan ng mga parsela.

Kaya naman mahigpit ang order ni Coll. Macabeo sa kanyang mga tauhan sa lahat ng NAIA customs bonded warehouse na laging maging alerto at more vigilant to detect illegal drugs on all parcels na dumarating at lumalabas sa ating bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *