Tuesday , November 5 2024

15 OFWs lumikas mula sa Libya, nasa PH na

KARAGDAGANG 15 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakabalik na sa ating bansa makaraan lumikas mula sa Libya.

Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga nagtatrabaho sa Hyundai E&C ang naturang mga Filipino.

Dahil dito, umaabot na sa 157 ang kabuuang mga kababayan nating nakauwi mula sa nasabing bansa.

Gayunman, umaabot sa halos 100 iba pa ang sinasabing nananatili roon at inaasahang maililikas sa lalong madaling panahon.

Una rito, nagpatupad ang pamahalaan ng crisis alert level 3 dahil sa lumulubhang mga kaguluhan doon.

Maging sa Iraq ay sapilitan na ring ipinauuwi ang mga kababayan natin upang hindi maipit sa mga karahasan doon.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *