NGAYONG nahaharap sa isang mabigat na kaso (may tax evasion case pa) si Cedric Lee, hindi kaya manganib din ang nakuha niya P150-M kontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa repair ng parapet walls, attic, kisame, at ang elevated roadway ng NAIA Terminal 1?!
Si Cedric ang kasalukuyang chairman of the board at president ng Izumo Contractors Inc., na nakakopo ‘este nakakuha sa nasabing P150-M kontrata na dapat ay nagsimula noong October 2013 na popondohan ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Hindi pala ito kasama sa pondo ng Department of Transportation and Communications (DoTC) para sa P1.3 billion rehabilitation ng Terminal 1.
Ibig sabihin, direkta sa MIAA ang project ni Cedric Lee. Ang bigat mo talaga, Cedric boy!
Ngayon ang concern lang natin ‘e, kaya kayang tapusin ni Cedric ang kanyang kontrata sa MIAA kung ganyang nakahoyo na siya?!
‘E sa totoo lang hanggang ngayon e hindi pa tapos ang nasabing repair gayong sa kontrata ‘e nakalagay na walong buwan lang dapat (October 2013 to June 2014).
E paano na ngayon ‘yan?!
SoJ Leila de Lima, mapunta kaya sa wala ang P150-milyones pondo ng MIAA?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com