Tuesday , November 5 2024

Mataas na multa lang pala ang magpapatiklop sa kolorum na PUVs

00 Bulabugin JSY

‘Yun naman pala.

Meron naman palang ‘guts’ ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad ng isang kautusan na magpapatiklop sa sandamakmak na  kolorum na naglisaw sa mga pangunahing kalye at kahit mismo sa national highways.

Mantakin ninyo biglang lumuwag ang kalye nang magsitiklop ang mga kolorum?

Ibig sabihin ba n’yan na halos 50 porsiyento o higit pa ng mga namamasaherong PUVs sa kalye ay kolorum?

E bakit nga ba dumating sa panahon na lumaki ang bilang ng mga kolorum sa kalye?

Hindi ba’t nagsuspendi sa pag-iisyu ng prangkisa ang LTFRB dahil hindi na makontrol ang pagpasok ng mga sasakyan sa bansa, bago man ‘yan o second hand?!

‘Yan ang lagi nating sinasabi, kapos sa foresight ang mga inaasahan nating opisyal ng gobyerno na nakatoka sa kanilang mga gawain.

Hindi natin maituring na technocrat ang mga Gabinete sa gobyerno dahil para silang mga ‘laborer.’ Gumagawa sila sa loob ng isang araw para sabihin lang na nagtatrabaho sila.

Buti pa nga ang mga laborer o piece rate worker, may kongkretong produksiyon bawat araw.

‘Yung mga Gabinete sa gobyerno, namamalayan na lang nila na patong-patong na ang backlog nila.

Ang pagdami ng mga kolorum na PUVs ay hindi lamang ‘gawa’ ng matatapang lumabag sa batas … tuwiran man o hindi tuwiran … kasabwat dito ang mga pabayang opisyal ng pamahalaan.

Take note … Department of Transportations and Communications (DoTC) secreatry!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *