Tuesday , November 5 2024

Jinggoy, Enrile susunod na aarestuhin?

Matapos itakda ng Sandiganbayan ang pag-aresto kahapon kay Sen. Bong Revilla, Janet Napoles at sa 31 kasama sa kasong plunder at graft na kanyang kinakaharap ay pinaniniwalaang susunod na rin ang pag-aresto kina Sens. Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada.

Ito rin naman ang inaasahan ng marami matapos ilabas ang hold-departure orders (HDOs) kamakailan na pumipigil kina Estrada, Revilla at Enrile na makalabas ng bansa. Ito ay bunga ng pagkakasabit nila sa P10-bilyon pork scam na minaniobra umano ng damuhong tinaguriang “pork scam queen” na si Napoles.

Kabilang sa mga ipinaaaresto ng Sandiganbayan First Division ang senior staff ni Revilla na si Richard Cambe, ang pamangkin ni Napoles na si Ronald John Lim, ang driver-bodyguard ni Napoles na si John de Asis, at ang iba pang mga sangkot umano sa pork barrel scam.

Ang lahat ng ito ay sa mga kaso pa lang ni Revilla bunga ng pakikipagtransaksyon niya kay Napoles. Ang tanong ay narito pa kaya sa bansa ang ibang mga kapwa akusado ni Revilla?

Kung tutuusin, dapat ay naaresto na sina Revilla noong Huwebes nang ipag-utos ng First Division na mag-isyu ng arrest warrants laban sa kanila. Ang problema ay wala si Justice Efren dela Cruz, chairman ng First Division, nang dalhin sa kanyang tanggapan ang kopya ng warrant. Sa oras na lagdaan niya ang warrant ay epektibo na ito at puwedeng ipatupad.

Nakakita raw ang Sandiganbayan ng “probable cause” laban kay Revilla at sa mga kapwa niya akusado kaya inutos ang pag-aresto sa mga ito. Kapag pare-pareho nang nakakulong sina Revilla, Estrada, Enrile at mga kapwa nila akusado, mga mare at pare ko, dapat magsagawa ng marathon hearings upang mapabilis ang kaso.

Tanggalan ng maskara ang mga damuhong nagbabait-baitan upang malantad sa publiko kung sinu-sino talaga ang mga nagsamantala at nagbulsa sa pondo ng bayan.

Parusahan!

***

MAHUSAY talaga si Napoles dahil kahit nakapiit ito ay nagagawa niyang gulangan at isa-han  ang gobyerno.

Mantakin ninyong natuklasan sa hearing ng forfeiture case ng gobyerno sa mga asset ni Napoles na nakapag-withdraw ang isang kompanyang konektado sa pork scam queen ng P39 milyon mula sa P46 milyon na nakadeposito sa account nito sa United Coconut Planters Bank.

Naulat na naganap ito sa panahon na natapos ang unang Provisional Assets Preservation

Order (PAPO) na inisyu sa mga account ni Napoles noong Mayo 26, 2014 hanggang sa makapag-isyu ng pangalawang PAPO noong Hunyo 6, 2014.

Akalain ninyong nakakuha pa umano ang bangko ng kompirmasyon mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-lapse na nga ang freeze order sa mga asset ni Napoles.

Umamin daw ang AMLC na naantala ang paghiling nila sa pangalawang PAPO, mga mare at pare ko, dahil kumakalap sila ng ebidensya para sa civil forfeiture case. Kung ganito kada-ling gulangan ang AMLC ay malaki ang problema ng gobyerno sa mga nagpapatakbo nito.

Tandaan!

Ruther Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *