HINDI sisibakin ni Pangulong Benigno Aquino III sina Interior Secretary Mar Roxas at Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima kahit lumalala ang problema sa kriminalidad sa bansa.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy pa rin pinagkakatiwalaan ni Pangulong Aquino sina Roxas at Purisima.
Nauna rito, sa kanilang liham kay Pangulong Aquino, nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tanggalin sa pwesto ang dalawang opisyal bunsod nang kabiguan na masawata ang tumataas na antas ng kriminalidad sa bansa .
“Nagpapasalamat kami sa komunikasyon ng VACC sa Pangulo at sa kanilang pagbibigay ng panukala para mabawasan at masabat ang kriminalidad,” ani Coloma.
(ROSE NOVENARIO)