Monday , December 23 2024

Pasay PNP official may doble-bagong kotse (Paging: PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima)

00 Bulabugin JSY

ISANG PNP official sa Pasay City ang tila nakatatanggap ng sandamakmak na biyaya na hindi natin malaman kung saan nagmula.

Aba ‘e, mukhang nakapagpagawa na rin ng bahay na mayroon malaking garahe dahil bumili ng dalawang bagong tsekot na Ford Explorer at Toyota Fortuner.

Mukhang maraming ‘parating’ si Pasay PNP official kaya mabilis ang kanyang pagpupundar.

Kung patuloy na tumataas ang crime rate at vices sa Pasay ‘e sabay naman tumtaas ang kanyang kayamanan!?

PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima, Sir, madali lang pong makilala kung sino ‘yang super-rich na PNP offcial na ‘yan. Nakapangalan pa raw sa misis niya ang mga sasakyan na ‘yan para hindi siya mabuko…

Kung gusto n’yo lang pong makilala ‘e paki-text n’yo lang po ako.

‘TSUBIBO GANG’ RUMARAKET SA BUREAU OF IMMIGRATION

NASASALISIHAN na raw ng ‘tsubibo gang’ ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa korupsiyon gaya d’yan sa Bureau of Immigration (BI).

Nabuhay na naman kasi ang ‘tsubibo gang’ na dating namamayagpag noong panahon ni dating Justice Secretary Raul Gonzales sa BI na nagpapatuloy hanggang ngayon.

Sa impormasyon na nakaabot sa inyong lingkod, ‘yang ‘tsubibo gang’ ay kasabwat ang isang tinaguriang “The Law Firm” ay muli na namang nagwasiwas ng kanilang ‘galing sa pagpapaikot’ at sa pagkakataong ito ay laban sa kanilang dating kliyente na kilala at inirerespetong Korean businessman.

Ang nasabing Korean businessman ay nakalinya sa importation ng Korean goods and beverage at napilitang kunin ang serbisyo ng The Law Firm, sa napakamahal na retainers fee.

Matapos matuklasan na malaki ang kinikita ng kliyente nilang Koreano nagtayo ang ‘The Law Firm’ ng kaparehong line of business kasosyo ang ilang Koreano bilang financiers at nakipagkompetensiya sa kanilang kliyente.

Pagkatapos ay tuluyan nilang inabandona ang kanilang kliyente.

Hindi pa nakontento, nitong April 7 (2014), nagsampa sila ng isang deportation complaint sa kanilang dating kliyente.

Bilang dating abogado, normal na nasa kanila ang mga dokumento at confidential information laban sa kanilang Korean client, na dapat ay pinanghahawakan ng kanyang mga abogado sa ilalim ng “ lawyer’s-Client” relationship.

Gayonman, ang kaso ay isinalang sa preliminary investigation ng isang Immigration lawyer na sangkot naman sa deportation schemes ng mga Koreano na akusado sa drug trafficking upang makaligtas sa prosekusyon.

Gaya ng inaasahan, ang Korean businessman ay sinampahan ng kaso ng BI Legal Division for violation of Immigration laws.

Noong Mayo 26 (2014), naglabas ang BI ng Mission Order laban sa Korean businessman pero dahil alam ng “few good men” sa BI Intelligence Division, ang layunin ng pagsasampa ng kaso at operation ng “The Law Firm,” hindi nila inihain ang mission order at sinabing ang kaso ay nasa hurisdikdiyon na ng BI Board of Special Inquiry (BSI).

Nabatid na nitong Hunyo 05 (2014) mayroon ng rekomendasyon para sa approval ng Immigration Board of Commissioners.

Ang tanong: bakit napakabilis naman ng desisyon ng nasabing kaso at tila walang due process na ibinigay sa Koreano na biktima ng kanyang dating abogado?

Wala bang kinalaman ang kasalukuyang Justice Secretary sa ganitong uri ng karumal-dumal na operation?

Sa mga dokumentong nakalap, nitong May 19 (2014), nag-isyu si DOJ Secretary Leila De Lima ng Memorandum kay BI Commissioner Siegred Mison na nagtatanong sa “status” ng deportation complaint laban sa Korean businessman.

Kaya naman nagmistula itong “go signal” sa ‘tsubibo gang’ para ituloy ang kanilang operasyon.

Pero nakapagtataka kung bakit hindi tinanong ni Sec. De Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) sa status ng Warrant of Arrest na inisyu ni Associate Justice Antonio Carpio ng Supreme Court laban sa isa sa mga abogadong nagrereklamo.

Ang nasabing warrant of arrest ay espesipikong naka-address sa NBI for implementation.

Natuklasan din na ang nasabing complainant lawyer ay may pending warrant of arrest sa kasong swindling/estafa na ipinalabas ng Quezon City RTC Branch—219.

Isang malaking sindikato ang nakatakdang mabuyangyang kay Pangulong Noynoysa kasong ito ng ‘tsubibo gang.’

Abangan!

MGA ‘HONESTO’ SA NAIA KINILALA AT PINARANGALAN NI MIAA GM JOSE ANGEL “BODET” HONRADO

ISA tayo sa mga natutuwa dahil kinilala at pinarangalan ang mga empleyado at personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpakita ng kanilang katapatan at kabutihang-loob sa pamamagitan ng pagsasauli ng mga napulot nilang mga importanteng bagay gaya ng dokumento, cash sa iba’t ibang currency, alahas, electronic gadgets at iba pa.

Sila ‘yung mga tinatawag na ‘HONESTO SA AIRPORT.’

Mismong si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager  Jose Angel “Bodet” Honrado ang nagbigay ng pagkilala at parangal sa mga nasabing empleyado at personnel.

Ang 15 pararangalan ay sina John Paul Eugenio A. Del Rosario, PRA LBPSC; Marevic M. Gallego, Building Attendant, NAIA T4; Rosemarie S. De Vera, Building Attendant, NAIA T4; Julie A. Esmillo, Building Attendant, NAIA T4;  Pinky D. Muñoz, Building Attendant, NAIA T4; Joel F. Esmena, Building Attendant, NAIA T4; Dennis M. Antolin, Building Attendant NAIA T4; Benedict A. Book, PCR-JOP NAIA T1; Ricky C. Nabong, PCR-JOP NAIA T1; Noriel Ramirez, Building Attendant, NAIA T1; Carlito Ate, Jr., PCR – JOP, NAIA T1; Mr. Moses C. Jimenez, PCR-JCP, NAIA T1; Benigno N. Matinis, Jr., PCR-JOP NAIA T3.

Mapalad tayo dahil marami pa rin Pinoy ang malinis ang puso. Kung mayroong ilang tirador sa Airport, mas marami pa rin ang mabubuting tao.

Mabuhay kayo mga kapatid!

Mabuhay ka GM Bodet Honrado!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *