ISA tayo sa mga natutuwa dahil kinilala at pinarangalan ang mga empleyado at personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpakita ng kanilang katapatan at kabutihang-loob sa pamamagitan ng pagsasauli ng mga napulot nilang mga importanteng bagay gaya ng dokumento, cash sa iba’t ibang currency, alahas, electronic gadgets at iba pa.
Sila ‘yung mga tinatawag na ‘HONESTO SA AIRPORT.’
Mismong si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel “Bodet” Honrado ang nagbigay ng pagkilala at parangal sa mga nasabing empleyado at personnel.
Ang 15 pararangalan ay sina John Paul Eugenio A. Del Rosario, PRA LBPSC; Marevic M. Gallego, Building Attendant, NAIA T4; Rosemarie S. De Vera, Building Attendant, NAIA T4; Julie A. Esmillo, Building Attendant, NAIA T4; Pinky D. Muñoz, Building Attendant, NAIA T4; Joel F. Esmena, Building Attendant, NAIA T4; Dennis M. Antolin, Building Attendant NAIA T4; Benedict A. Book, PCR-JOP NAIA T1; Ricky C. Nabong, PCR-JOP NAIA T1; Noriel Ramirez, Building Attendant, NAIA T1; Carlito Ate, Jr., PCR – JOP, NAIA T1; Mr. Moses C. Jimenez, PCR-JCP, NAIA T1; Benigno N. Matinis, Jr., PCR-JOP NAIA T3.
Mapalad tayo dahil marami pa rin Pinoy ang malinis ang puso. Kung mayroong ilang tirador sa Airport, mas marami pa rin ang mabubuting tao.
Mabuhay kayo mga kapatid!
Mabuhay ka GM Bodet Honrado!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com