Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot tumalon sa SM South Mall

TUMALON nang patalikod mula sa ikatlong palapag ng isang shopping mall ang isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Las Piñas Medical Center ang biktimang kinilala sa Philhealth card na si Charlies Sacula Cominguez.

Sa natanggap na ulat ni Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Adolfo Samala, nangyari ang insidente dakong 8:30 p.m. sa SM South Mall Basement level tapat ng New Bistro Deli, Alabang-Zapote Road ng nasabing siyudad.

Sa pahayag ng testigong si Hazzel Cabuyao ng San Flower, Pilar Village, Las Piñas City, kina POs2 Christopher Catamora at Christian Yanga, palingon-lingon muna ang biktima at pagkaraan ay patalikod na tumalon mula sa ikatlong palapag ng mall at bumagsak sa basement.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …