Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brand new jail kina Pogi, Sexy at Tanda… hindi pa ba espesyal ‘yan?

00 Bulabugin JSY

WALA raw VIP treatment at lalong wala raw kakaiba sa pagkukulungan sa tatlong senador na akusadong mandarambong — na sina Senators Juan “Tanda” Ponce Enrile, Bong “Pogi” Revilla at Jinggoy “Sexy” Estrada.

‘Yan ang sabi ni PNP spokesman, Gen. Theodore Sindac sa mga taga-media nang ipresenta ang pagkukulungan sa tatlong (3) pork senators.

Wala raw aircon, bentilador lang. No gadgets.

Pero napansin lang natin na bagong bili ang double deck na kama (mukhang Salem pa ‘yung kutson ayaw ng Uratex) — bakit hindi tarima?

Bago ang banyo, meron pang shower at bidet.

Hindi na ba marunong gumamit ng tabo at timba ang mga nagpapasasa sa kwarta ng bayan?!

Kung hindi po tayo ngakakamali, ‘yang lugar na paglalagyan sa tatlong akusadong plunderer ay ‘yung PNP custodial center sa Camp Crame na dati nang pinagdadalhan sa mga tinatawag na terorista, mga mutineers at iba pang asunto na may kinalaman sa pagbabanta sa seguridad ng bansa.

Naalala ko pa nang ako’y ilang beses mapunta sa lugar na ‘yan kasama ang kaibigan kong si Mr. Jerome Tang para dalawin si Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV at Gen. Danny Lim.

Pagpasok na pagpasok natin ay naramdaman agad natin ang init ng kapaligiran.

Isang ordinaryong detention center talaga. Ang pinakapribilehiyo lang ng mga nakapiit doon ay magdagdag ng bentilador.

Pero nang makita natin sa telebisyon ang ipinakita ni Gen. Theodore Sindac na pagkukulungan ng tatlong akusado sa plunder aba ‘e ibang-ibang ang itsura noong si Sen. Trillanes at Gen. Lim ang naka-detain doon.

Hindi pa ba espesyal ‘yang itsura na ‘yan?

Kakaibang-kakaiba sa bansang Taiwan, nang nililitis sa kasong bribery at corruption ang dating Presidente na si Chen Sui Bian ay inilagay na agad siya sa regular jail at naka-unipormeng preso pa.

Ngayon ay pinagsisilbihan niya ang sentensiyang 20-taon pagkakabilanggo mula sa dating life sentence.

Walang espesyal na trato sa kanya kahit siya pa ang dating Presidente ng Taiwan.

Dito sa ating bansa ay kakaiba talaga, hintayin natin ang sandali na biglang magkakasakit ang tatlong ‘yan at biglang magpa-hospital arrest hanggang maging house arrest.

At hindi po ‘yan kataka-taka sa Philippines my Philippines.

‘UNETHICAL’ PROFILING NG MGA ‘GRAY’ PASSENGER NIRARAKET BA NG BI-NAIA T2 TCEU?

GUSTO po natin tawagin ang pansin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison tungkol sa sandamakmak na reklamo ng mga pasahero (especially from China) na bigla na lamang binubunot sa kanilang pila sa NAIA T-2 Arrival saka iniaakyat sa Departure area.

Marami kasing Immigration Officer (IO) ang nakapagsabi sa atin na sablay ang ginagawang passenger profiling ng mga miyembro ng Bureau of Immigration – Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa NAIA T2.

Ang pagkakaalam nila, may memorandum pa si BI Commissioner Fred Mison, na ang IO sa immigration counter ang magre-refer sa Bisor o sa TCEU kung may duda sa dokumento sa isang dayuhang pasahero.

Habang nakapila kasi ang mga pasahero sa Immigration counter and waiting for their turns, biglang lalapit ang ilang miyembro ng TCEU at huhugutin na sa pila for profiling daw.

Sabay akyat sa departure area para roon gawin ang profiling ‘kuno.’

What the fact!!!

Bakit kailangan iakyat pa sa departure area!? Hindi ba pwede gawin ang profiling sa arrival area?

Kasi nga naman kapag nasa Departure area na raw ‘e pwede nang mag-CALL-A-FRIEND ang isang passenger para makapasok na siya sa bansa natin?

Sino pa nga naman ang makakikita sa Immigration arrival kung pinayagan rin nilang pumasok ang pasahero ‘di ba?

Eto pa, bakit ang paborito lang daw bunutin pasahero sa pila ay mga flight na galing China?

Bakit hindi ang Taiwanese o Bombay?

Nagtataka rin ang mga IO sa isang TCEU official na napakasipag mag-duty sa gabi kung kailan nagdaratingan ang China flights!?

BI Commissioner Mison, Sir, pwede bang pakibusisi mo ‘yang mga TCEU agents ninyo sa NAIA T2, mukhang mayroon na naman nakasasalikwat sa paggawa ng pera.

MPD PS-11 MORO-MORONG KAMPANYA LABAN SA SUGAL!

Hindi natin malaman kung bulag ba o nagbubulag-bulagan ang mga tulis ‘este’ pulis ng MPD PS-11 sa ilalim ni Kernel RAYMOND LIGUDEN laban sa ilegal na sugal sa kanyang area of responsibility (AOR) dahil ultimong sa bangketa ay nag-o-operate ang horseracing bookies lalo d’yan sa C.M. Recto at Elcano streets Binondo, Maynila.

Ganoon din sa antigong bangketa bookies sa paligid ng nasunog na Divisoria mall na mismong mga Brgy. tanghod ‘este’ Tanod ang naka-poste at bantay.

Kompleto sa gamit, may lona, may TV, at notebook na listahan ng kobransa ang bangketa bookies na ilang metro lang ang layo sa Juan Luna PCP ni Major Cauatan ‘este’ Cabauatan.

Talamak at lantaran rin ang kobransa ng EZ-2 jueteng at lotteng  sa Bgy 124 Zone 10 Balut, Tondo, Manila at sa night market ng Divisoria.

MPD DD General Rolando Asuncion sir, sa kabila ng mahigpit n’yong kampanya laban sa 1602 ay may ilan pa rin pulis ang sumasabotahe sa programa n’yo.

May info pang nakarating sa atin na may ‘cashunduan’ na ang 1602 operator at mga bagman ng bawa’t MPD station at PCP na sila na ang magbibigay ng ‘huli-me’ para ipakitang may accomplishment sila.

Boom Panes!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …