Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mister nagbigti dahil sa sinaing

NAGBIGTI ang isang lalaki nang hindi sila magkasundo ng kanyang misis sa pagsasaing sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Salvador Estaniel, 23, residente ng Baliwasan Grande, Zamboanga City.

Sa ulat, bangkay na ang biktima nang matagpuan ng kanyang asawa na si Roselyn dakong 7 p.m. sa loob ng kanilang silid. Bago nagpatiwakal ang biktima, nagtalo sila ng kanyang misis hinggil sa kung sino at kung paano isasaing ang kanilang bigas.

Naayos din ang pagtatalo ng dalawa hanggang pumasok ang biktima sa kanilang silid nang maglaba si misis.

Matapos maglaba, tinungo ng misis ang kanilang silid ngunit laking gulat nang makitang nakabitin ang asawa at wala nang buhay.

(DANG GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …