Tuesday , November 5 2024

Excuse me po wala na akong bilib kay Kap’s amazing stories!

00 Bulabugin JSY

MUKHANG trying very hard na makakuha ng simpatiya si Amazing Kap …

Tingnan n’yo naman, ngayon lang ang panahon na hindi eleksiyon pero biglang nag-iikot kung saan-saan si Sen. BONG “Pogi” REVILLA sa kanya umanong mga sympathizer.

E bakit ngayon mo lang sila naalala na bisitahin Senator Bong?

Ngayong kinakasuhan ka na ng plunder sa pagdambong ng iyong pork barrel?

Bilib din talaga tayo sa kapal ng mukha at tigas ng mukha nitong si Kapitan Pogi …

Pinopolitika lang daw sila kaya tatakbo na siya sa mas mataas na posisyon para ipagtanggol ang kanyang ‘reputasyon.’

Pwe!!! What the fact!

E kung pinopolitika ka lang, sa tagal ba naman ng panahon na ‘binabalasubas’ at ‘ninanakaw’ ang pork barrel sa ilalim ng iyong tanggapan ‘e hindi mo man lang ba ito napansin o nasuri?!

Ay sus naman!

alang kupas ang alibi mo, Amazing Kap!

Hindi nga ba ‘yung pork barrel ng erpat mo, sumabit din?!

‘E kung hindi pa nabisto ng Commission on Audit (CoA) ‘e baka maging ang misis mong si Rep. Lani Mercado ‘e magkaroon din ng ganyang eskandalo.

Unsolicited advice lang Mr. Amazing Kap, may kasabihan … “Less talk, less mistake …”

Manahimik ka na kaya. Ikaw pa itong nagpapamukhang kawawa ‘e kayo na nga ang suspek sa pandarambong.

Dahil d’yan sa pandarambong ninyo sa P10-bilyong pork barrel ‘e, maraming hindi nakapag-aral, maraming hindi nakapagpagamot, maraming magsasaka ang nagutom at maraming nasalanta ng kalamidad ang hindi pa nakababangon hanggang ngayon.

Hindi ba maliwanag na “adding insult to injury” ‘yang iniaasta mo?!

Mahiya ka naman!

Sa Sandiganbayan ka na lang magpaliwanag!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *