Monday , December 23 2024

Jollibee-NAIA bawal nang mag-deliver ng pagkain sa loob ng airport?

00 Bulabugin JSY

MARAMING airport personnel ang apektado sa pinakahuling utos ng ID and Pass Control Division Office – Manila International Airport Authority.

Hindi na kasi binigyan ng access pass ng ID and Pass Control Division Office ang delivery personnel ng  Jollibee na matatagpuan malapit sa vicinity o mismong nasa vicinity ng NAIA T-1 kaya ibig sabihin ‘e hindi na sila makapagde-deliver ng pagkain hanggang sa mga opisina sa loob ng terminal.

Alam ng lahat na limitado ang breaktime ng mga empleyado at personnel sa NAIA dahil nga sa nature ng trabaho na bawat segundo ay mahalaga para huwag maantala ang facilitation ng libo-libong pasahero araw-araw.

Wala rin naman kainan sa arrival area na maayos.

Kaya nga marami sa kanila lalo na ‘yung nasa loob ng mga opisina ang nagpapa-deliver ng kanilang pagkain (late breakfast, lunch or dinner) para tuloy-tuloy pa rin ang kanilang trabaho.

At dahil hindi na pwedeng mag-deliver ang Jollibee, kinakailangan pang lumabas sa kanilang opisina ang mga personnel para pumunta sa kakainan nila.

Ang tanong tuloy natin, ‘e ano pa ang silbi ng mga fastfood sa NAIA kung maabala rin ang trabaho ng mga empleyado at personnel dahil hindi na nga sila pwedeng magpa-deliver sa mga offices inside the airport.

Sana lang, muling ikonsidera ng ID and Pass Control Division office ang desisyon nilang ito para hindi na maging komplikado ang sitwasyon sa hinaharap.

Huwag na nilang hintayin na makaapekto pa sa operasyon ng Airport ang isang simpleng rekonsiderasyon na mayroong positibong impact sa kabuaan.

Ano sa palagay ninyo assistant general manager for security and emergency services (AGM-SES) ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr.?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *