MARAMING airport personnel ang apektado sa pinakahuling utos ng ID and Pass Control Division Office – Manila International Airport Authority.
Hindi na kasi binigyan ng access pass ng ID and Pass Control Division Office ang delivery personnel ng Jollibee na matatagpuan malapit sa vicinity o mismong nasa vicinity ng NAIA T-1 kaya ibig sabihin ‘e hindi na sila makapagde-deliver ng pagkain hanggang sa mga opisina sa loob ng terminal.
Alam ng lahat na limitado ang breaktime ng mga empleyado at personnel sa NAIA dahil nga sa nature ng trabaho na bawat segundo ay mahalaga para huwag maantala ang facilitation ng libo-libong pasahero araw-araw.
Wala rin naman kainan sa arrival area na maayos.
Kaya nga marami sa kanila lalo na ‘yung nasa loob ng mga opisina ang nagpapa-deliver ng kanilang pagkain (late breakfast, lunch or dinner) para tuloy-tuloy pa rin ang kanilang trabaho.
At dahil hindi na pwedeng mag-deliver ang Jollibee, kinakailangan pang lumabas sa kanilang opisina ang mga personnel para pumunta sa kakainan nila.
Ang tanong tuloy natin, ‘e ano pa ang silbi ng mga fastfood sa NAIA kung maabala rin ang trabaho ng mga empleyado at personnel dahil hindi na nga sila pwedeng magpa-deliver sa mga offices inside the airport.
Sana lang, muling ikonsidera ng ID and Pass Control Division office ang desisyon nilang ito para hindi na maging komplikado ang sitwasyon sa hinaharap.
Huwag na nilang hintayin na makaapekto pa sa operasyon ng Airport ang isang simpleng rekonsiderasyon na mayroong positibong impact sa kabuaan.
Ano sa palagay ninyo assistant general manager for security and emergency services (AGM-SES) ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr.?
MR. IO SLOT MACHINE BINABANTAYAN PALA ANG ‘MY ILLEGAL WIFE’
SIMPLENG-SIMPLE lang naman pala ang misteryo sa likod ng pagkakalulong sa silat ‘este’ slot machine ng isang Immigration official (IO).
Ang paboritong makina nga raw niya ay “fafafa” at DuCai Ducai sa loob ng Solaire Casino VIP slot machine room para walang makakita sa kanya sa labas ng casino.
Pero hindi lang pala ang pagkahilig sa slot machine kaya nagbababad siya sa Solaire Casino hanggang madaling araw kundi binabantayan pala niya ang kanyang ‘my illegal wife.’
Natuklasan natin ang misteryo, sa INFO na ipinaabot sa atin, matapos mabasa ng impormante ang kolum natin tungkol sa isang Immigration official na sugapa sa silat ‘este’ slot machine at kayang magpatalo ng lampas P100,000 gabi-gabi.
Si Immigration official pala ay nanunungkulang “official bodyguard” ng kanyang LOVEY-DOVEY na isa ngayong certified Casino financier.
Certified from rags to richest na ‘illegal wife’ ni Immigration official.
Kaya super-bantay na rin si “Fafa.”
Mahirap na nga naman baka masulot pa ng iba. Matapos mabigyan n’ya ng malaking puhunan ‘e bigla pang masisilat.
Tsk tsk tsk …
Piece of advice lang kay Immigration official: hinay-hinay lang sa puyat, alalay sa health condition dahil dehins ka naman bumabata …
Sayang ang investments mo lalo na kay LOVEY DOVEY DONNA, kapag nagkataon.
Kilala kaya ni Bureau of Immigration-IRD Chief Mr. Danny Almeda ang Immigration official na ‘yan na mayroong “my illegal wife?”
HAPPY FATHER’S DAY TO ALL
ISANG maligaya at makabuluhang araw ng mga TATAY sa lahat!
Isa itong espesyal na araw para alalahanin natin ang ating mga tatay … lahat ng ‘tatay’ sa buhay natin na nakatulong para buuin o mabuo natin ang ating pagkatao kung ano tayo ngayon.
Sabi nga, walang perpektong tatay sa mundo, pero isa lang ang tiyak, laging may paghahangad at pagsusumikap mula sa kanilang puso para bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak at ang buong pamilya.
Sa araw na ito, bigyan natin ng espesyal na pagpapahalaga ang ating mga ama — saan man sila naroroon.
Sa mga kapiling pa ang kanilang ama … huwag palampasin ang maghapon para gawing espesyal ang araw na ito sa kanila.
Muli, happy father’s day sa lahat!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com