Monday , December 23 2024

Over VIP treatment sa mga ‘sindikatong’ manunugal sa NAIA dapat nang kontrolin at tigilan!

00 Bulabugin JSY

MARAMI na ang nakapapansin sa hindi wastong pagpapa-VIP sa mga dayuhang manunugal ‘kuno’ na nagpupunta sa ating bansa.

Totoong sila ay mga turista pero hindi tayo naniniwalang nagpapasok sila ng malaking halaga ng dolyares sa ating bansa.

Mas totoo pang sabihin na pumapasok sila sa bansa na laway ang puhunan. Uutang sa banko ng Casino para magsugal at lahat ng kanilang panalo ay ilalabas rin nila sa ating bansa para roon i-invest sa kanilang bansa.

Karamihan sa mga gumagawa nito ay mga dubious character mula Korea at China.

Maraming intelligence report na ang mga dayuhang ‘yan ay sangkot sa manufacturing at proliferation ng illegal drugs gaya ng poor man’s cocaine na shabu.

Dumarating sila sa ating bansa na madalas ay sakay ng chartered flight o private plane. Sinasalubong sila na parang “Head of State” sa airport.

Pupunta ang Immigration supervisor or officer kung saang hangar naroon ang charter flight at doon pa tatatakan ang kanilang mga passport.

Hindi ba’t OVER VIP naman ang ganyang trato?!

Nito ngang nakaraan, may nabisto pang peke ang arrival stamp sa passport ng ilang foreign Casino player ng Solaire Casino.

So, ibig sabihin, hindi makabubuti sa seguridad ng bansa ang over VIP treatment sa mga foreign Casino player.

Karamihan kasi sa mga gumagamit nang ganyang over VIP treatment ay mayroong hidden agenda.

Maaaring sila ay wanted o may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa at dito magtatago sa Philippines my Philippines.

Napatunayan na ‘yan sa dami ng pugante na nakapasok sa ating bansa.

Kung casino player lang naman ‘e di dumaan sila sa normal na proseso sa Immigration. Paraanin sila sa special lane tutal naman ay sinusundo sila ng casino host kung saan sila billeted.

Immigration Commissioner Fred Mison Sir, pwede bang rebisahin mo ang patakaran hinggil d’yan sa mga charter flight ng mga dayuhan lalo na kung hindi naman diplomatic relationship ang pakay?!

Sa ibang bansa kahit na ikaw ay VIP o celebrity ay obligado na dumaan ka sa normal process sa Immigration.

Para naman maiwasan na ang paglusot sa bansa ng mga dayuhang may dubious characters.

‘Yun lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *