NAGULAT tayo nang malaman natin na ‘malaki-laki’ rin pala ang ‘naiwang pamana’ ni dating Gov. ER Ejercito sa lalawigan ng Laguna …
‘Yun nga lang, pamanang UTANG na umaabot sa P2 bilyones.
Sabi nga ni Gov. Ramil Hernandez sa isang TV interview, anim (6) na taon na ang nakararaan ‘e, halos P500 milyones lang ang kanilang utang.
Kaya naman nagtataka sila kung bakit lumobo at umabot ng P2 bilyon ang utang ng Laguna.
‘E saan mo nga ba dinala, Asiong longganisa ‘este’ Salonga, ‘yung P2 bilyones na ‘yan ng sambayanang Laguneño?
Kaya ngayon ang magsasakripisyo ang mga tunay na taga-Laguna.
Ayon kay Gov. Ramil Hernandez, mandatory kasi na 20 percent ng kanilang annual budget ‘e ilaan sa debt servicing …kaya naman maoobliga siyang bawasan ang budget para sa infrastructure projects dahil malaki ang pangangailangan na magtuon siya sa public services (health and education).
Gayon man, positibong umaasa si Gov. Ramil na unti-unti nilang maiaahon ang Laguna sa pagkakabaon sa utang.
D’yan tayo bilib kay Laguna Gov. Ramil, nakapokus agad siya sa trabaho at wala sa kanyang bokabularyo ang pakikipag-away at paninisi.
Umaasa rin si Gov. Ramil na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba pang opisyal sa lalawigan ng Laguna ay maisasaayos nila ang mga prioridad na proyekto.
Go, Laguna Governor Ramil Hernandez!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com