Monday , December 23 2024

Illegal drug trade pinangangambahan sa Solaire Casino

00 Bulabugin JSY

LAGI natin itong sinasabi at ngayon ay uulitin na naman … hindi tayo natutuwa na parang nagdidilang-anghel ang inyong lingkod pero nang sabihin natin noon na may ‘naaamoy’ tayong hindi maganda sa mga nakikita nating transaksiyones sa loob ng Solaire Casino ‘e kinabahan na tayo na posibleng magkaroon ng mga illegal transactions lalo na sa droga sa loob ng casino VIP rooms.

Nakompirma nga ito nang isang Indian national ang nahulihan ng Marijuana at naaresto ng mga ahente ng Anti-Organized and Transnational Crimes Division – Anti-Illegal Drug Unit ng National Bureau of Investigation (AOTCD-AIDU-NBI) sa isinagawang buy-bust operations.

Buy-bust ang operation pero ang nakapagtataka, sa Solaire Casino hotel pinili ng suspek na si Mardeep Narang, ang Indian national na may US Citizenship, na itakda ang ‘abutan’ ng droga.

Unang binalak ni Narang na sa Resorts World Casino isagawa ang ‘abutan’ pero mukhang kinabahan sa kanyang security kaya inilipat niya sa kanyang kuwarto sa Solaire Casino hotel.

Maluwag na naipasok ni Narang ang droga kahit na nga sandamakmak ang sekyu, may security sensor at K-9 dog pa.

Kasamang naipasok ni Narang ang Marijuana na nagkakahalaga ng P10,000.

Ganyan kabilis, walang ka-hassle-hassle na naipasok ni Narang ang kanyang kontrabando sa hotel casino ni Razon.

Pinapunta lang ni Narang sa isang kwarto ang kanyang katransaksiyon na lingid sa kanyang kaalaman ay ahente ng NBI.

Ibig sabihin ganoon kakompiyansa si Narang na maluwag siyang makapagtatransaksiyon ng ilegal na droga sa Solaire Casino.

Ilang beses kaya niyang nagawa ang transaksiyon na gaya nito sa loob ng Solaire?

Hindi lang droga, ayon sa ating mga impormante maging ang mga prostitute ay nagagawang makapasok at mag-show up hanggang sa  2nd floor VIP room ng Casino para makapili ang mga dayuhang player kung sino o anong babae ang gusto nila.

Tsk tsk tsk …

Mr. Enrique Razon, Sir, mukhang malaki ang iyong problema sa security force ninyo …puro angas at arogante lang daw ang security n’yo sa Solaire gaya ng isang madalas na inirereklamo ng mga player na si alias BEN ‘ULIKBA’ G.

Totoo rin bang ang hepe ng  security department ninyo ay isang pugante sa batas at sangkot sa Dacer-Corbito abduction and killings?!

Aba nakatatakot pala d’yan sa casino mo Mr. Razon!?

Nabalitaan mo rin ba ang tsismis na may nakitang maraming shabu at pera ang isang housekeeping pero nang dumating ang pulis ay biglang umano nawala?

Nagtatanong lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *