Monday , December 23 2024

Illegal drug trade pinangangambahan sa Solaire Casino

00 Bulabugin JSY
LAGI natin itong sinasabi at ngayon ay uulitin na naman … hindi tayo natutuwa na parang nagdidilang-anghel ang inyong lingkod pero nang sabihin natin noon na may ‘naaamoy’ tayong hindi maganda sa mga nakikita nating transaksiyones sa loob ng Solaire Casino ‘e kinabahan na tayo na posibleng magkaroon ng mga illegal transactions lalo na sa droga sa loob ng casino VIP rooms.

Nakompirma nga ito nang isang Indian national ang nahulihan ng Marijuana at naaresto ng mga ahente ng Anti-Organized and Transnational Crimes Division – Anti-Illegal Drug Unit ng National Bureau of Investigation (AOTCD-AIDU-NBI) sa isinagawang buy-bust operations.

Buy-bust ang operation pero ang nakapagtataka, sa Solaire Casino hotel pinili ng suspek na si Mardeep Narang, ang Indian national na may US Citizenship, na itakda ang ‘abutan’ ng droga.

Unang binalak ni Narang na sa Resorts World Casino isagawa ang ‘abutan’ pero mukhang kinabahan sa kanyang security kaya inilipat niya sa kanyang kuwarto sa Solaire Casino hotel.

Maluwag na naipasok ni Narang ang droga kahit na nga sandamakmak ang sekyu, may security sensor at K-9 dog pa.

Kasamang naipasok ni Narang ang Marijuana na nagkakahalaga ng P10,000.

Ganyan kabilis, walang ka-hassle-hassle na naipasok ni Narang ang kanyang kontrabando sa hotel casino ni Razon.

Pinapunta lang ni Narang sa isang kwarto ang kanyang katransaksiyon na lingid sa kanyang kaalaman ay ahente ng NBI.

Ibig sabihin ganoon kakompiyansa si Narang na maluwag siyang makapagtatransaksiyon ng ilegal na droga sa Solaire Casino.

Ilang beses kaya niyang nagawa ang transaksiyon na gaya nito sa loob ng Solaire?

Hindi lang droga, ayon sa ating mga impormante maging ang mga prostitute ay nagagawang makapasok at mag-show up hanggang sa  2nd floor VIP room ng Casino para makapili ang mga dayuhang player kung sino o anong babae ang gusto nila.

Tsk tsk tsk …

Mr. Enrique Razon, Sir, mukhang malaki ang iyong problema sa security force ninyo …puro angas at arogante lang daw ang security n’yo sa Solaire gaya ng isang madalas na inirereklamo ng mga player na si alias BEN ‘ULIKBA’ G.

Totoo rin bang ang hepe ng  security department ninyo ay isang pugante sa batas at sangkot sa Dacer-Corbito abduction and killings?!

Aba nakatatakot pala d’yan sa casino mo Mr. Razon!?

Nabalitaan mo rin ba ang tsismis na may nakitang maraming shabu at pera ang isang housekeeping pero nang dumating ang pulis ay biglang umano nawala?

Nagtatanong lang po.

Boxing champ, lawmaker and now basketball coach …
ANO BA TALAGA ANG TRIP NI CONG. MANNY PACQUIAO?

Sa darating na Oktubre, sisimulan na ang Philippine Basketball Association (PBA) season … pero tatlong buwan bago ito, magbubukas din ang 17th Congress of the Philippines na ang ating boxing champ na si Manny Pacquiao ay opisyal na kasapi bilang kinatawan ng Sarangani province.

Kasunod na nga nito ang pagbubukas ng PBA Season, na tatayo siyang coach ng Kia Motors na exclusive distributor ang Columbian Autocar Corp.

Marami pang ‘TIME’ si boxing champ ‘este honorable, ay mali coach Manny Pacman (‘yan pati tuloy ako ‘e nalilito na) para gampanan ang tatlong  time-consuming job na ‘yan.

Pero higit sa lahat, unang-unang tungkulin na dapat gampanan ni Manny Pacquiao ang pagiging Congressman dahil inaasahan siya ng mga taong nagtiwala ng kanilang sagradong boto sa kanya.

Noong araw nakikita natin si Congressman Pacman sa Pan Pacific hotel na habang naglalaro ng bilyar ‘e sabay sumasalat din ng baraha para sa tong-its.

Hindi lang ‘yan, gusto rin niyang maging sikat na poker player.

At mukhang inuulit ngayon ni Pacman ngayon ‘yan … isang boxing champ na pumasok sa politika bilang mambabatas at ngayon ay basketball coach naman habang iniisip kung saang partido tatakbo para maging Philippine vice president …

Ano na kaya ang mangyayari sa kapalaran ng constituents ni Pacman sa Saranggani?

Paalala lang, Mr. Pacman: You cannot serve two masters or more at a time!

PISKALYA NA BA ANG AIRPORT POLICE?

KAMAKALAWA nahulihan ng 0.2561 gramo ng marijuana ang trolley bags ni dating PBB Big Brother housemate Divine Muego Matti Smith sa NAIA.

Kaya nang binabawi raw niya ito dahil ‘ninakaw’ daw sa kanya ng taxi driver ‘e naisalang sa interogasyon si Smith.

Sa kabila ng sitwasyon na walang ibang maituturong suspek kundi si Smith lamang, dahil ang taxi driver na nagsoli ng kanyang bagahe ay nag-iwan naman ng pangalan at address, ay nagawa pa rin niyang makalusot sa mga awtoridad.

For the benefit of the doubt, sige, pakinggan natin ang alibi este sinasabi  ni Smith.

Pero dapat hindi pulis ang pwedeng magdesisyon kung dapat palayain ang isang suspek.

Dapat ay dinala at sinampahan nila ng asunto sa piskalya ang nasabing insidente at hinayaan nilang ang piskal ang magdesisyon, base sa mga ihaharap na ebidensiya, kung dapat nga bang i-release nang walang kaso si Smith.

Ang matindi, nagdesisyon mag-isa ang Airport police, kaya pinalaya si Smith.

Tama ba ‘yun?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *