Sa darating na Oktubre, sisimulan na ang Philippine Basketball Association (PBA) season … pero tatlong buwan bago ito, magbubukas din ang 17th Congress of the Philippines na ang ating boxing champ na si Manny Pacquiao ay opisyal na kasapi bilang kinatawan ng Sarangani province.
Kasunod na nga nito ang pagbubukas ng PBA Season, na tatayo siyang coach ng Kia Motors na exclusive distributor ang Columbian Autocar Corp.
Marami pang ‘TIME’ si boxing champ ‘este honorable, ay mali coach Manny Pacman (‘yan pati tuloy ako ‘e nalilito na) para gampanan ang tatlong time-consuming job na ‘yan.
Pero higit sa lahat, unang-unang tungkulin na dapat gampanan ni Manny Pacquiao ang pagiging Congressman dahil inaasahan siya ng mga taong nagtiwala ng kanilang sagradong boto sa kanya.
Noong araw nakikita natin si Congressman Pacman sa Pan Pacific hotel na habang naglalaro ng bilyar ‘e sabay sumasalat din ng baraha para sa tong-its.
Hindi lang ‘yan, gusto rin niyang maging sikat na poker player.
At mukhang inuulit ngayon ni Pacman ngayon ‘yan … isang boxing champ na pumasok sa politika bilang mambabatas at ngayon ay basketball coach naman habang iniisip kung saang partido tatakbo para maging Philippine vice president …
Ano na kaya ang mangyayari sa kapalaran ng constituents ni Pacman sa Saranggani?
Paalala lang, Mr. Pacman: You cannot serve two masters or more at a time!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com